• Home
  • About us
  • Articles
    • Resource Page
    • Quotes
    • Success
    • Self-Improvement
    • Wealth and Finance
    • Leadership and Management
    • Tagalog Translations
  • Gallery
  • Contact Us

Your Wealthy Mind

Because Ideas Change Lives

  • Success
  • Wealth and Finance
  • Leadership and Management
  • Self-Improvement
  • Quotes
  • Tagalog Translations
Home » tagalog » Page 39

Hello!
Please click the "Tagalog" category to view our translated articles!!

Karunungan nagiging Kayamanan: Ang 22 Best Pera Tips para Maging Mayaman mula sa “The Richest Man in Babylon”

June 21, 2016 by Ray L. Leave a Comment

Wisdom into Gold - The 22 Best Money Management Tips from The Richest Man in Babylon - YourWealthyMind

*Ang article na ito ay naglalaman ng affiliate links.

English Version (Click Here)

“Pay yourself first” (Mag-ipon muna) o sa pagkatanggap mo ng iyong sweldo, ipunin mo ang 10% nito para mag-invest. Familiar ba ito? Para maging mayaman, iyon ang classic money management tip na nagmula kay George S. Clason, ang may akda ng “The Richest Man in Babylon.” Unang inilabas noong 1926, ang mga personal finance tips na matututunan natin mula sa librong ito ay napakahalaga para sa ating lahat.

*Note: Ang libro ay nasa public domain na at pwede mo itong mahanap ng libre sa internet!

[Read more…]

Tutulungan ka ba nilang magtagumpay? Mahalagang people skills mula kay Dale Carnegie

June 14, 2016 by Ray L. Leave a Comment

Will people help you succeed? Essential people skills from Dale Carnegie yourwealthymind your wealthy mind
English Version (Click Here)

May kaibigan o kakilala ka ba na natutuwa kang makasama dahil mabuti ang pagtrato nila sa iyo? May kakilala ka naman ba na kinaaayawan mo dahil nilalait nila palagi ang mga ginagawa mo? Nagugustuhan mo bang suportahan ang una at iniiwasan mo naman ba yung isa? Para sa marami sa atin, ang kalidad ng ating buhay at kung gusto nating magtagumpay at hindi mabigo sa ating careers ay nakabase sa kung gaano tayo kagaling magbuo at mag-alaga ng ating mga pagkakaugnay sa iba. Para matutunan ang mga kakayahang iyon, ang unang tatlong aral mula sa How to Win Friends and Influence People ni Dale Carnegie ay napakahalaga.

Sabi nga, ang repetisyon ay ang susi ng karunungan at galing. Dahil ito’y isang classic na self-help book, malamang nabasa mo na ito dati pero hindi mo pa narereview. Marami na tayong narating mula sa panahon nina Dale Carnegie at ang ilang leader kagaya nina John Maxwell, Stephen Covey, Brian Tracy, at marami pang iba ay nagturo na ng mga aral na dumagdag at nagpabuti pa sa mga naituro nito (at isinama ko rin sila dito dahil mahalaga ang mga ito sa lesson), ngunit ang classic na librong isinulat niya ay isa pa rin sa pinakamabuti. Kung gusto mong maalala ang ilan sa mga basics, ituloy mo lang ang pagbabasa!

Note: Mabuti nang bilihin at basahin mo ang buong libro gamit ang affiliate link sa ibaba para matutunan mo ang buong lesson. Sabi nga nila, walang tatalo sa orihinal! [Read more…]

6 Quick Tips para Iwasan ang Sobrang Gastos at Magtipid ng Pera

June 7, 2016 by Ray L. 1 Comment

6 quick tips to avoid overspending and save money yourwealthymind your wealthy mind
English Version (Click Here)

Isa ka sa pinakamagaling sa iyong industriya at sinuswelduhan kang mabuti sa trabahong ginagawa mo, pero nauubos ba agad ang iyong sahod pagkatanggap mo pa lang nito? Nahihirapan ka bang maghawak ng pera sa huling linggo bago ang susunod na sahod? Palagi mo bang inaabangan ang susunod na sweldo? Kung ganoon nga, malamang napapasobra ka sa paggastos ng pera. Matapos pag-aralan ang basics ng personal finance gaya ng pag-iipon at pag-invest at kung paano magbayad ng utang, ito ang anim na payo para maiwasan ang sobrang gastos at magtipid ng pera!

[Read more…]

Hindi ka Swerte… at Mabuti Iyon

May 31, 2016 by Ray L. Leave a Comment

you're not lucky and that's a good thing your wealthy mind yourwealthymind
English Version (Click Here)

“Diligence is the mother of good luck.” (Kasipagan ang ina ng Swerte.) – Benjamin Franklin

Makikita mo ang maswerteng tao sa paligid mo. Mayroon silang mayayamang magulang, magaling sila sa sports, at palagi silang nakakakuha ng matataas na grades sa iskwelahan. Karamihan naman sa atin ay ordinaryo lamang.Wala tayong napakayamang magulang, hindi tayo magaling sa sports, at pasang-awa lamang tayo sa exams. Para sa karamihan satin, mas-malala pa dahil nakapasan ang maraming kakulangan at ang buhay ay parang puro paghihirap lamang.

Siguro naramdaman mo naman iyon. Nag-aral ka para sa exams at halos hindi ka parin pumasa sa test. Nagsisikap ka sa trabaho at hindi ka pa rin napromote. Sinusubukan mong umasenso ang negosyo mo pero hindi pa rin dumadami ang iyong benta. Habang ginagawa mo iyon, ang ibang tao naman ay parang nadadalian lamang sa buhay. Sa iba lang talaga napupunta ang swerte diba?

Alam mo, sana bigyan din ako ng swerte ng isang billion-dollar business bukas. Gusto ko ring maging maswerte at maging world champion athlete. Diba ganoon naman gumagana ang swerte? Gigising ka na lang at may nabuo ka na palang multinational corporation mula sa wala, nanalo ka sa world title fight ng hindi ka man lang umaalis sa iyong upuan, o mula fast food worker magiging real estate billionaire ka sa isang araw dahil “sinuwerte” ka.

Sayang lang at hindi nangyayari iyon. Ano nga ba ang magagawa natin?

[Read more…]

Kakayahan para sa Mas-Mabuting Pangkabuhayan: Isang sandaling Pagtingin sa TESDA

May 24, 2016 by Ray L. 2 Comments

skills for a better livelihood a quick glance at tesda yourwealthymind your wealthy mind
English Version (Click Here)

“Magbigay ka ng isda at makakakain siya ng isang araw; turuan mo siyang mangisda at makakakain siya habang buhay.”

Ang isang dahilan kung bakit nabuo ang YourWealthyMind.com ay para matulungan ang mga nangangailangan mula sa pagbigay ng mahalagang impormasyon. Para sa karaniwang mahirap na Pilipino o trabahador na may pamilyang kailangang alagaan, ang buhay ay parang bilangguan ng paghihirap kung saan kakaunti lang ang pwede mong makamit. Buti na lang, ang daan palabas ay pwedeng matutunan.

Bago tayo magsimula, kailangan nating matutunan ang isang napakahalagang bagay: Hindi sa pagpapagod sa pagsisikap ang batayan ng ating pag-asenso kundi sa halaga ng ating ginagawa.

Ang nagwawalis ng daan ay mas-kaunti ang sahod kumpara sa isang software developer.

Ang nagbebenta ng basahan ay mas-kakaunti ang kinikita kumpara sa isang real estate sales agent.

Ang nagluluto ng mumurahing nilaga ay mas-kakaunti ang kinikita kumpara sa isang gourmet chef sa five-star restaurant.

Halos magkatumbas ang oras at pagod na dinaranas nila, pero napakalaki ng pagkakaiba ng kanilang kinikita.

Ano ang susi sa lahat ng iyon? KAALAMANG nagagamit.

[Read more…]

  • « Previous Page
  • 1
  • …
  • 37
  • 38
  • 39
  • 40
  • 41
  • …
  • 47
  • Next Page »

Sign-up for Freebies!

Enter your email and click to get Freebies and Updates!

Privacy Policy

Want to learn more? Read these!

Book 1
Book 2
Book 3
Book 4
Book 5
previous arrow
next arrow

Search this Website

PropellerAds
Privacy Policy

Affiliate Policy

Copyright © 2025 · Magazine Pro Theme on Genesis Framework · WordPress · Log in