English Version (Click Here)
Matapos kontrolin ang iyong paggastos, magbayad ng mga utang, at mag-ipon ng pera, ang susunod mong kailangang gawin para makamit ang financial freedom ay magsimulang mag-invest! Ano ang isa sa pinakamabuti at pinakapopular na investment ngayon? Stocks! Kung hindi mo pa napapag-aralan ito at kung gusto mong matutunan ang basics, may guide kami dito para sa iyo!
Ano ang Stocks?
Isipin mo na, kasama ang siyam mong kaibigan, ginusto mong magsimula ng negosyo kaya kayong lahat ay nagbigay ng cash, kagamitan, materyales, at iba pa na nagkakahalaga ng P1,000. Sa negosyong iyon, kayong mga magkakaibigan ay nag-desisyon na pantay-pantay na maghati-hati ng kita at pagmamayari sa kumpanya. Sa ganoong sitwasyon, ang negosyo ay parang may 10 shares of stock at ang bawat isa sa inyo ay may ari ng isa.
Ang Stocks na minsa’y tinatawag na “shares” o “equities” ay nagsisimbolo ng hati ng pagmamay-ari ng isang kumpanya. Ang Stock Market naman ay ang lugar kung saan ang mga shares na ito ay binebenta at binibili. Kung halimbawa ang isang kumpanya ay naglabas ng 10,000 shares of stock outstanding at ikaw ay bumili ng 100 shares, ikaw ay magiging stockholder at magmamay-ari ka ng 1% ng kumpanyang iyon (100 ay 1% ng 10,000).
Gaya ng halimbawa sa itaas, kung stockholder ka ikaw ay nagmamay-ari ng bahagi ng assets ng kumpanya at ikaw rin ay minsan makakatanggap ng bahagi ng kinikita ng kumpanya na tinatawag na Dividends. Alalahanin mo din na ang ilang kumpanya ay hindi nagbibigay ng dividends at naipapasok lang nila ang kinikita nila sa kumpanya, kaya sa ganoong sitwasyon kikita ka ng pera kapag binenta mo ang shares na binili mo kapag tumaas ang presyo ng stock (capital appreciation) o kapag ikaw ay nag-short sell. [Read more…]