• Home
  • About us
  • Articles
    • Resource Page
    • Quotes
    • Success
    • Self-Improvement
    • Wealth and Finance
    • Leadership and Management
    • Tagalog Translations
  • Gallery
  • Contact Us

Your Wealthy Mind

Because Ideas Change Lives

  • Success
  • Wealth and Finance
  • Leadership and Management
  • Self-Improvement
  • Quotes
  • Tagalog Translations
Home » tagalog » Page 9

Hello!
Please click the "Tagalog" category to view our translated articles!!

Tatlong Maikling Aral Tungkol sa mga Ibinibigay sa Atin ng Buhay

August 15, 2019 by Ray L. 1 Comment

3 Short Lessons About What Life Gives Us your wealthy mind
English Version (Click Here)

Ang mga self-improvement at self-help books ay madalas naglalaman ng mga napakahalagang aral, at may isa akong naalalang tula na ilang beses tinalakay sa ilang libro. Ito ang tulang “My Wage” (“Ang Aking Sahod”) na isinulat ni Jessie B. Rittenhouse, at ito ang tatalakayin natin ngayon.

*Ilalagay ko ang Tagalog translation sa ibaba.


“My Wage” (Ang Aking Sahod) ni Jessie B. Rittenhouse

I bargained with Life for a penny,
And Life would pay no more,
However I begged at evening
When I counted my scanty store;

For Life is a just employer,
He gives you what you ask,
But once you have set the wages,
Why, you must bear the task.

I worked for a menial’s hire,
Only to learn, dismayed,
That any wage I had asked of Life,
Life would have gladly paid!


Pagsasalin sa Tagalog:

Nakipagkasundo ako kay “buhay” para sa barya,
Pero wala na siyang idadagdag sa aking sahod,
Kaso nagmakaawa ako sa gabi,
Noong kinuwenta ko ang kakaunti kong nakamit;

Si “buhay” ay isang amo,
Na nagbibigay ng gusto mo,
Pero kapag itinakda mo ang gusto mong sahod,
Aba, kailangan mo itong panindigan.

Nagsikap ako para sa mababang sweldo,
Para lang malaman at ikalungkot,
Na ano mang sahod ang hilingin ko mula kay “buhay”,
Ay ikagagalak niya palang ibigay!


Sigurado akong naintindihan mo ang aral na ipinapahiwatig ni Jessie. Ibinibigay naman ng buhay ang mga gusto natin, kaya hindi natin kailangang babaan ang ating mga pangarap. May isa pang kasabihan na nagtuturo ng aral na iyon, at mahahanap mo ito sa biblia:

[Read more…]

20 Quotes tungkol sa Pag-asa (kapag nawawalan ka na nito)

August 8, 2019 by Ray L. 1 Comment

20 Quotes tungkol sa Pag asa kapag nawawalan ka na nito your wealthy mind
English Version (Click Here)

May mga panahong pakiramdam natin hindi na natin kayang harapin ang ating mga problema. Iyong mga oras na nawawalan tayo ng pag-asa, masyado na tayong maraming pinagdaanan, at parang mas madaling sumuko na lang at tigilan ang lahat.

Gayunpaman, may mga bagay na hindi natin pwedeng isuko, at kailangan natin silang ipagpatuloy hanggang sa huli. Ang pamilya namin ay nahihirapan ngayon dahil sa mga plano ng isang korporasyon, at ang proyekto nila ay makakasakit sa pamumuhay ng pamilya namin. Naiistress kami nang husto dahil sa kanila. Kahit gusto nilang ituloy ang proyektong iyon kahit masasaktan ang pamilya namin, hindi kami susuko.

Sa mga oras na ganoon, narito ang ilang quotes o kasabihan na pwedeng makapagbigay sa iyo ng pag-asa sa buhay. Kapag ikaw ay nahihirapan nang husto dahil sa iyong mga problema, sana mabigyan ka ng mga ito ng lakas ng loob para ipagpatuloy ang laban hanggang sa huli.


They say a person needs just three things to be truly happy in this world: someone to love, something to do, and something to hope for.

— Tom Bodett

(Sabi nila, tatlo lang ang kailangan lang ng tao para maging masaya sa buhay sa mundong ito: isang taong iniibig, bagay na ginagawa, at bagay na inaasahan.)


Do not spoil what you have by desiring what you have not; remember that what you now have was once among the things you only hoped for.

― Epicurus

(Huwag mong sayangin ang mga nakamit mo dahil sa paghahangad mo sa mga bagay na hindi pa napapasaiyo; alalahanin mo na ang mga nakamit mo ngayon ay mga bagay na hinahangad mo lang dati.)


We dream to give ourselves hope. To stop dreaming – well, that’s like saying you can never change your fate.

― Amy Tan

(Nangangarap tayo para magkaroon ng pag-asa. Ang pagtigil sa pangangarap – katumbas na rin iyon ng pag amin na hindi mo mababago ang iyong kapalaran o kinabukasan.)


The road that is built in hope is more pleasant to the traveler than the road built in despair, even though they both lead to the same destination.

― Marion Zimmer Bradley

(Ang landas na ginawa mula sa pag-asa ay mas mabuti para sa mga manlalakbay kaysa sa mga landas na ginawa dahil sa desperasyon kahit pareho ang kanilang pinatutunguhan.)


We must free ourselves of the hope that the sea will ever rest. We must learn to sail in high winds.

— Aristotle Onassis

(Kailangan nating iwanan ang pagaakala na magpapahinga ang dagat. Kailangan nating matutong maglayag habang napakalakas ng hangin.)

[Read more…]

Isang Araw May Mga Sumubok Manloko sa Akin…

August 1, 2019 by Ray L. 1 Comment

Isang Araw May Mga Sumubok Manloko sa Akin your wealthy mind
English Version (Click Here)

Bago maglakbay sa ibang bansa, inuuna ko palaging magbasa tungkol sa mga scams o “modus” at mga krimen sa lugar na iyon na kailangan naming iwasan. Mula sa mga taxi na may napakabibilis na metro, mga mandurukot, at mga overpriced na bar, mahihilig gumamit ng iba’t ibang modus ang mga kriminal para makuha ang pera ng kanilang mga biktima. Sa article kong ito, ikukuwento ko ang isang beses kung saan may mga sumubok manloko sa akin noong mas bata pa ako.

Ngayong nagbabalik tanaw ako sa karanasang iyon, naiisip ko na napakaraming mali sa ginagawa nila. Hindi ko alam kung mayroon talaga silang naloko. Nakakatuwa pa rin ang alaalang iyon kaya nais ko itong ikuwento sa inyo.

Yung isang panahong may sumubok manloko sa akin…

Inosenteng college freshman pa lang ako noong panahong iyon, at naaalala ko ito dahil dala dala ko pa ang malaking green na plastik duffel bag ko. Isa ako dating “sheltered” (protektado palagi ng mga magulang) na iskolar at wala pang isang taon ang nakakalipas mula noong nakapagtapos ako ng highschool. Kahit alam ko mang may mga manloloko sa mundo, hindi ko maisip na tatargetin nila ako. Isa lang kasi akong mahirap na financial aid scholar, hindi isang mayamang turista o negosyante.

Naaalala ko pa na sa araw na iyon maaga akong nakalabas ng klase. Mainit ang panahon noon. Nasa huling bahagi na ako ng aking commute papauwi at kinailangan ko na lang maglakad nang ilang minuto para makarating sa bahay. Ala-una ng hapon noon kaya kahit naglalakad ako sa tabi ng isang popular na highway na malapit sa isang mall, walang masyadong tao sa oras na iyon.

Habang tinatawid ko ang isang konkretong tulay papunta sa aking bahay, may sumunod sa aking isang matanda. Nakasuot siya ng baseball cap, t-shirt, at maong shorts at habang sinasabayan niya ako sinabi niya…

“Uy, nakita mo ba yung foreigner na nakahulog ng singsing?”

Doon nagsimula ang isang pinabobong modus na naranasan ko.

[Read more…]

“Work Smarter, Not Harder” (Matalinong Diskarte, Hindi Pagpapagod): Tatlong Payo Tungkol sa Tagumpay at Pagsisikap

July 25, 2019 by Ray L. 1 Comment

Work Smarter Not Harder Matalinong Diskarte Hindi Pagpapagod Tatlong Payo Tungkol sa Tagumpay at Pagsisikap your wealthy mind
English Version (Click Here)

Narinig mo na ba ang mga salitang “work smarter, not harder”? Gamitin ang utak sa trabaho kaysa magpagod lamang ng sarili? Nakatambay ako sa kapihan isang araw at narinig ko ang isang lalaking nagkukuwento tungkol sa mga pinaplano niyang negosyo sa kaniyang mga nakatatandang kasama. Mula real estate, online businesses, at vending machines, mabubuti ang kanyang mga naisip at naikuwentong idea.

Gayunpaman, naramdaman ko na masyado niya atang minamaliit ang panganib, at mukha ring wala siyang masyadong alam o experience sa pagnenegosyo. Baka mapahamak siya dahil doon. Sana magtagumpay siya sa mga pinaplano niyang gawin.

Noong kausap niya ang kanyang mga nakatatandang kakilala, paulit ulit niyang sinasabi ang mga salitang “work smart” at huwag mag-“work hard” lang, at kung paano walang yumayaman sa pagiging empleyado lamang (may paraan naman kung marunong kang mag-ipon at mag-invest nang mabuti). Salamat sa kanya, may naisip akong isulat ngayong linggong ito.

Ano nga ba ang ibig sabihin ng “work smarter, not harder”? Ito ang ilang payo namin para sa iyo!

[Read more…]

Ano ang Gambler’s Fallacy? Iwasan Mawalan ng Pera sa Pekeng Pag-asa

July 10, 2019 by Ray L. 1 Comment

Ano ang Gamblers Fallacy Paano Hindi Mawalan ng Pera sa Pekeng Pagasa your wealthy mind
English Version (Click Here)

Noong bumibisita kami sa aming mga lolo’t lola (sumakabilang-buhay na sila noon pa), nakikita ko ang ilan naming mga kapitbahay naglalaro ng mahjong, baraha, at yung makulay na dice game (tinatawag itong “casino” ng kakilala ko) sa kalsada. Nakakatuwa naman talaga ang mga larong iyon, pero kapag may pera nang itinataya, nakakaadik ito dahil sa risk (panganib) at posibleng pagkapanalo. Mananalo ka at matatalo (pero mas madalas kang matalo), pero ang posibilidad na manalo ka nang maaraming pera ay maghihikayat sa iyong magsugal pa.

Sa kasamaang palad, pag nagpatuloy ka mas lalo ka lang mawawalan ng pera. Alam naman natin kung paano nakakasira ng buhay ang pagsusugal.

Maraming rules ng psychology ang gumagana pagdating sa pagsusugal, at ito ang dahilan kung bakit napakadaling mawala ang perang pinaghirapan mo dahil sa isang dealer sa casino, lotto, “gacha” game, o iba pang uri ng sugal, pero sa ngayon paguusapan natin ang isa. Ito ang tinatawag na “gambler’s fallacy”.

Kung ayaw mong mawalan ng pera sa mga laro na kailangan ng swerte, sa investing, at sa iba pang desisyon sa pera na parang ganoon, ito ang isa pang aral na kailangan mong matutunan.

[Read more…]
  • « Previous Page
  • 1
  • …
  • 7
  • 8
  • 9
  • 10
  • 11
  • …
  • 47
  • Next Page »

Sign-up for Freebies!

Enter your email and click to get Freebies and Updates!

Privacy Policy

Want to learn more? Read these!

Book 1
Book 2
Book 3
Book 4
Book 5
previous arrow
next arrow

Search this Website

PropellerAds
Privacy Policy

Affiliate Policy

Copyright © 2025 · Magazine Pro Theme on Genesis Framework · WordPress · Log in