English Version (Click Here)
It ain’t what you don’t know that gets you into trouble. It’s what you know for sure that just ain’t so. — Mark Twain
(Hindi ang mga bagay na hindi mo alam ang nagpapahamak sa iyo. Ang nakakapagpahamak ay ang mga alam na alam mo pero hindi naman pala totoo.)
Napakahalaga ng aral na matututunan mo mula sa mga salita ni Mark Twain at ito ay mainam ulitin. Hindi ka napapahamak ng kaalaman mo, kundi ang kaalamang akala mo alam mo pero mali pala. Kung hindi mo kinukuwestyon ang mga nalalaman (o “akala”) mo tungkol sa mundong kinagagalawan mo, baka mabaon ka sa pagkabigo.
Kung Bakit ang Kaalaman Mo Ang Pinagmumulan ng Iyong Pagkabigo
Dati akala ng mga tao ang mga sakit ay dulot ng mga sumpa at masasamang espiritu… hanggang nadiskobre ni Louis Pasteur ang germs.
Akala ng mga tao, flat o patag ang mundo at mahuhulog ka sa gilid kapag masyadong malayo ang nilakbay mo… hanggang naglakbay sina Christopher Columbus at nakadiskubre sila ng bagong lupain. (Ang una ding nakaalam na bilog ang mundo ay si Erastothenes ng Cyrene.)
Akala din ng mga tao hindi sila makakalipad at inisip nila na “kapag nararapat na lumipad ang sangkatauhan, sana may pakpak tayong lahat”… hanggang nabuo ng Wright brothers ang unang eroplano noong 1903.
Maraming tao ang tumatanggap na lang sa kung ano man ang makuha nila sa buhay. Tinatanggap nila ang mga limitasyon bilang “realidad”, na parang ito’y static o hindi na pwedeng baguhin kahit ano man ang gawin nila. Yun ang dahilan kung bakit hindi sila umaasenso. Nananatili sila sa kalagayan nila at nabubuhay ng may patakaran at limitasyong sila lang pala ang may kagagawan. Katulad nito ang bata na sumakay ng isang beses sa bisikleta, nahulog, at inisip na dahil nasaktan siya sa pagsakay dito, imposibleng sumakay ang tao sa bisikleta (kahit palagi siyang nakakakita siya ng mga tao na nagbibisikleta).
Madalas, ang mga bagay na tinatanggap natin bilang “katotohanan” ay hindi naman pala talaga ganoon. Ito’y parang isang square na kapag tinignan mo mula sa ibang angulo ay cube pala sa katotohanan.
Ano ang iniisip mo tungkol sa iyong buhay? Ano nga ba ang inaakala mo tungkol sa mundo?
Money is evil. Masama ang pera. Ang mga mayayaman na may maraming pera ay lahat masasama (gaya ng napapanood natin sa mga movies, at lahat ng nasa movies ay totoo diba?).
Ang stock market ay pagsusugal.
Hindi ako magtatagumpay dahil sa kagagawan ng aking boss, asawa, ekonomiya, atbp.
Masyadong mahirap magnegosyo.
Masyadong mahirap mapromote.
Hindi ko kasalanan na hindi ako napropromote. Hindi lang ako napapansin ng aking boss. Dahil doon, hindi ako magtratrabaho ng mabuti kung hindi nila ako bibigyan ng salary increase o promotion.
Imposibleng mag-ipon ng pera.
Kaya kong bilihin ang lahat ng gusto ko gamit credit at babayaran ko na lang ang utang. Wala namang problema sa planong iyon.
Ang mga mahihirap ay walang oportunidad kaya mananatili silang mahirap (katulad lang nito ang namimisikleta na natumba at inisip na imposibleng sumakay ng bisikleta ang mga tao).
Hindi ako ipinanganak na maswerte kaya hindi ako magtatagumpay.
Hindi gumagana ang pagsisikap kaya hindi ako magsisikap.
Walang kwentang magbasa ng libro.
Sinubukan kong maging successful, pero hindi pa nangyayari. Mabuti nang huwag na lang akong sumubok dahil ito’y napakaimposible.
Oo nga, ang IBANG tao nagtatagumpay, pero ako hindi, kahit ang iba’y nagtagumpay kahit mas-kaunti ang oportunidad at mas-marami silang problema kaysa sa akin.
Pamilyar ba sa iyo ang mga iyon?
Naniniwala ka ba sa mga iyon? Ito ba ang “katotohanan” o “realidad” ng buhay mo?
Magkakatotoo nga sila kung tinatanggap mo lang ang mga ito. Bukod pa doon, kailangan mo ring kwenstyonin ang mga bagay na mukhang mabuti dahil pwedeng hindi ito tama para sa iyo. Parang sinusubukan mo lang tumalon ng mas-mataas para makaakyat sa isang bundok kung kailan meron naman palang maayos na daanan sa gilid mo.
Kwestyonin mo ang iniisip mong “totoo.” Kwestyonin mo ang “normal” o “tanging paraan” para gawin ang mga bagay dahil posibleng ang mga ito ay nagpapabagsak sa iyo. Hindi ba nga, ang “normal” o “tanging paraan” para maglakbay dati ay maglakad o sumakay sa mga kabayo’t kalesa. Ang mga taong nag-isip ng ibang paraan ang nakapagpasulong sa sangkatauhan at nagtagumpay sa buhay.
Susubukan mo rin ba iyon?
Leave a Reply