English Version (Click Here)
May dahilan kung bakit nauubos agad ng mga nanalo sa lotto ang kanilang napanalunang pera, at nararanasan din natin ito kapag nakatanggap tayo ng cash bonus o malaking cash gift. Nakatanggap ka na ba ng maraming pera at naubos mo ito dahil hindi mo napigilan ang sarili mong magshopping? Nagsisi ka na ba sa pagwalgas ng pera dahil biglang lumabas ang ilang dosenang mas importanteng bagay na pwede mo sanang paggamitan nito, tulad ng pagbayad ng mga utang o bills? Kung sumang-ayon ka sa mga tanong na iyon, narito ang isang simpleng guide para sa iyo.
*Note: “Windfall” ang madalas itinatawag sa pagkaswerte tungkol sa pagkatanggap ng malaking pera.
Paano Hindi Sayangin ang Malaking Pera (“Windfalls”), Bonus, at Cash Gifts
1. Itago mo ang pera sa bangko at kalimutan mo ito.
Ang pera ay madaling dumulas papalabas ng ating wallet, at ang isang paraan para pigilan ang sarili mo sa pagwwalgas ng pera ay ang pagtago nito sa bangko. Kung kailangan mong maghanap at pumila sa ATM para magwithdraw, ang maliit na karagdagang sagabal na iyon ay madalas makakapigil sa walang katuturang pag-aksaya ng pera.
Tandaan: itago mo ang iyong bonus cash sa bangko at kalimutan mo ito. Hayaan mong mawala ang emosyon at excitement, at magagamit mo nang mas mabuti ang pera sa pagdaan ng panahon.
2. Huwag mong isipin ang mga mabibili mo.
Seryoso, itigil mo yan. Kung hinayaan mong magwala ang iyong imahinasyon, agad agad mong sasayangin ang pera sa mga bagay na hindi mo naman kailangan. Kung inaksaya mo ang pera sa mga luho na hindi mo kailangan, mas-kakaunti ang perang matitira para sa mga bagay na tunay na mahalaga. Para kontrahin ito, bago mo isiping bilihin ang isang bagay itanong mo palagi sa sarili mo, “kailangan ko ba TALAGA ang bagay na iyon? Talaga? TALAGA?” Kung hindi mo naman ikamamatay ang kawalan noong luhong iyon, malamang hindi mo ito tunay na kailangan, at isa iyong hadlang para sa mga walang kwentang gastusin.
3. Ipunin mo para sa mga oportunidad at mga emergency.
Sinasabi palagi ng mga personal finance authors na dapat mayroon kang cash buffer para sa mga emergencies. Ito ay dahil hindi natin dapat itanong kung may mangyayari bang emergency, kundi KAILAN. Gaano pa man natin gustong iwasan ang mga pahamak, nasisira ang mga kagamitan at tayo ay naaaksidente nang hindi natin inaasahan. Mabuti nang may pera tayo kapag nangyari iyon kaysa magkaproblema tayo sa pera at mabaon tayo sa utang para ayusin sila.
Dahil nakatanggap ka ng extra cash, bakit hindi mo na lang ito ipunin muna para mayroon kang extra safety at peace of mind?
4. Gamitin mo ito para magbayad ng utang.
Ito ang isa sa pinakamabuting paraan para gamitin ang iyong extrang pera. Kaysa gamitin ito para bumili ng mga kagamitang hindi mo naman kailangan, bakit hindi mo gamitin ang pera sa mga bagay na hindi mo pa nababayaran ng buo? Ang kaluwagan ng isip na mararamdaman mo sa pagbayad ng lahat ng utang ay malamang makakapagbigay sa iyo ng free time para maenjoy ang buhay at pag-isipan ang iyong mga oportunidad sa buhay. Bakit hindi mo gamitin ang nakuha mo para lumusong ng kaunti patungong kalayaan?
“There is one thing that should be indelibly impressed upon every youth’s mind, and that is the tragic consequences of debt, especially when incurred in early life. It has ruined many of the most promising careers.” — Orison Swett Marden
(May isang bagay na kailangang idiin ng husto sa mga kabataan, at iyon ang trahedyang idinudulot ng pangungutang lalo na kapag ito’y nakuha habang bata pa. Ito’y nakawasak sa napakaraming mabuting careers.)
5. Gamitin mo ito sa mga darating na bayarin at iba pang gastusin.
Kung namatay ang taong nagtratrabaho o kumikita para sa pamilya niyo at nakatanggap ka ng pera mula sa life insurance nila, sasayangin mo ba ito sa mga kagamitang gusto mo lang? Siyempre hindi. Kailangan mong ibudget ang pera hanggang maayos niyo ang inyong buhay. Bakit hindi mo rin gawin ito sa bonus na perang natatanggap mo? Ang extrang pera ay makakapagpaluwag lamang sa iyong buhay pinansyal kapag natutunan mong gamitin ito ng mabuti.
Kahit pwede mong gamitin ang maliit na bahagi ng iyong windfall o cash bonus sa mga pangkatuwaan, kailangan iwasan mong ubusin ito sa mga luho na hindi mo kailangan. Marami palaging napakabuting pwedeng paggamitan ng malaking pera at cash gift, at hindi kasama dito ang pagsayang ng pera sa walang katuturang shopping spree. Huwag mong hayaang hadlangin ng iyong emosyon ang iyong pag-iisip. Ipunin mo ang iyong pera, itigil mo ang pag-iisip sa mga luhong pwede mong bilihin, at hayaan mong mawala ang excitement. Kapag luminaw na ang iyong isipan, saka mo lang pwedeng magagamit ang pera sa mga bagay na tunay mong kailangan.
Sana nagustuhan mo ang article na ito! Kung gusto mong matutunan ang iba pang mga bagay, basahin mo lang ang ilan sa iba pa naming personal finance articles sa ibaba:
- 30 Pinakamahalagang Payo Tungkol sa Pera na Kailangan Mong Matutunan Ngayon
- Butas wallet? Paano Magtrack, Bawasan Gastos, at Magtipid ng Pera
- Paano Mabayaran Lahat ng Utang (in Three Simple Steps)
Leave a Reply