English Version (Click Here)
Narinig mo na ba ang mga salitang “work smarter, not harder”? Gamitin ang utak sa trabaho kaysa magpagod lamang ng sarili? Nakatambay ako sa kapihan isang araw at narinig ko ang isang lalaking nagkukuwento tungkol sa mga pinaplano niyang negosyo sa kaniyang mga nakatatandang kasama. Mula real estate, online businesses, at vending machines, mabubuti ang kanyang mga naisip at naikuwentong idea.
Gayunpaman, naramdaman ko na masyado niya atang minamaliit ang panganib, at mukha ring wala siyang masyadong alam o experience sa pagnenegosyo. Baka mapahamak siya dahil doon. Sana magtagumpay siya sa mga pinaplano niyang gawin.
Noong kausap niya ang kanyang mga nakatatandang kakilala, paulit ulit niyang sinasabi ang mga salitang “work smart” at huwag mag-“work hard” lang, at kung paano walang yumayaman sa pagiging empleyado lamang (may paraan naman kung marunong kang mag-ipon at mag-invest nang mabuti). Salamat sa kanya, may naisip akong isulat ngayong linggong ito.
Ano nga ba ang ibig sabihin ng “work smarter, not harder”? Ito ang ilang payo namin para sa iyo!
Matalinong Diskarte, Hindi Pagpapagod: Tatlong Payo Tungkol sa Tagumpay at Pagsisikap
1. Maghanap ng mas mabuting paraan
Sa mga opisina o trabaho, mayroon palaging mga nakasanayang paraan para gawin ang mga bagay bagay. Halimbawa, kung gusto mong magpadala ng dokumento sa ibang department, baka kailangan mong isukat ang dokumento, iprint ito, at maglakad papunta sa kabilang department para ibigay ito sa secretary kung saan mananatili lang ang dokumento mo doon nang ilang araw o ilang linggo. Pwede mong gawin iyon… pero pwede mo ring isend na lang ang dokumento mo gamit email para mabilis nila itong matatanggap.
Paano naman kung may mga kailangan kang baguhin sa dokumento? Kailangan mo ba uling magpadala ng panibagong kopya na kailangan nilang idownload sa email para basahin? Paano kung napupuno palagi ng mga updates ang mga inbox ng mga executives? Subukan mong gumawa na lang ng online cloud document na pwede mong ma-edit kung kinakailangan, at isend mo ang link para matignan nila ang pinakabagong version tuwing kailangan nila. Mas bibilis ang trabaho niyong lahat.
Iyon ang halimbawa ng isang mahalagang aral na natutunan ko sa The Success Principles: How to Get from Where You Are to Where You Want to Be ni Jack Canfield. Ano man ang trabahong ginagawa mo ngayon, malamang may paraan para magawa mo ito nang mas mabilis o mas mabuti. Kailangan nating masanay na palaging pagbutihin ang ating sarili, ating negosyo o career, at ang ating mga skills nang paunti unti. Kapag natuto tayong gawin iyon, magugulat na lang tayo sa layo ng ating narating pagdaan ng ilang buwan at taon.
2. Huwag magfocus sa dami ng ginagawa, magfocus sa HALAGA ng mga gawain
Kung may isang mukhang hindi makatarungang idea tungkol sa pagasenso at tagumpay na hindi ko makalimutan, ito ay ang katotohanan na hindi tayo kumikita ayon sa dami ng ating ginagawa o pagod natin sa trabaho. Kumikita tayo ayon sa mga RESULTA nating nakakamit. Ang HALAGA ng trabahong ginagawa natin.
Isipin mo kung paano pwedeng maglakad ang isang salesman nang limang oras sa ilalim ng mainit na araw para lang makabenta ng isang mumurahing produkto at kumita ng kaunti, kumpara sa isa pang salesman na pinag-aralan ang kaniyang mga posibleng customers, tinawagan sila, at nakapagbenta ng ilang libong dolyar ng produkto sa loob lamang ng dalawang oras. Ang isa ay nagpakahirap nang husto pero kakaunti lang ang kinita, ang isa naman hindi masyadong nagpagod pero MATALINONG trabaho ang ginawa niya kaya siya ay kumita ng malaki.
Ang isa pang halimbawa ay kung paano ang isang trabahador ay pwedeng magpagod nang ilang oras sa trabaho at kumita ng maliit… pero ang isang dalubhasang surgeon, programmer, o lawyer/abugado ay pwedeng magtrabaho ng kakaunting oras lang pero kumikita sila ng malaki. Hindi nga naman sa dami ng trabaho nakabase ang kita kundi sa kalidad ng resultang nakakamit.
Kung gusto nating paramihin ang mga tagumpay natin sa buhay, dapat imbis na pagpaparami at pagpapagod lang sa trabaho ang inaatupag, kailangan nating mas paboran ang HALAGA ng mga resultang nagagawa natin. Madalas mahihirapan tayo sa simula at hindi madaling maisip ang mga kailangan nating gawin, pero sulit na sulit ito kapag naisip nga natin ang mga bagay na pwede nating pagbutihin at gawin.
3. Magconcentrate sa mga pinakamahalagang gawain
Sa buhay, mayroong tinatawag na “Pareto principle” o 80/20 rule. Ito ay obserbasyon na halos 80% ng lahat ng epekto o resulta ay nagmumula sa 20% ng lahat ng gawa. Mapapansin mo ito sa napakaraming bagay sa buhay kapag pinagmasdan mo silang mabuti. Isipin mo kung paano napakarami ang mga daanan at kalsada sa iyong siyudad, pero karamihan sa mga kotse ay dumadaan lamang sa iilang highways at pinakapopular na daanan. Isipin mo rin kung paano may ilang daan o ilang libong tindahan at restaurants sa iyong siyudad, pero ang mga pinupuntahan ng karamihan ay ang iilang pinakapopular mga malls at restaurants lamang. Naalala ko rin na sa isang kumpanyang pinag-aralan ko na, noong tinignan ko ang sales data nila, halos 80% ng kanilang kinikita ay nagmumula sa top 20% na customers nila.
Ganoon ang Pareto principle. Sa buhay mo, mapapansin mo na halos 80% ng pinakamabuting (at pinakamasamang) resulta—sa iyong pinagkakakitaan, relationships, health, at iba pa—ay nagmumula lamang sa pinakamahalagang 20% na gawain mo. Ang natitirang 80% na gawain mo tulad ng pagpapaliban (pagprocrastinate), pagbrowse ng Facebook, panonood ng TV, pakikipagtsismis, at iba pa ay walang kwenta.
Kung gusto mong pagbutihin ang mga resultang nakakamit mo sa buhay, maging mas productive, at maging mas maswerte at matagumpay sa mga gusto mong gawin, kailangan mong alamin ang pinakamahalagang 20% ng lahat ng iyong gawain. Masanay kang gawin sila nang mas madalas, at pagbutihin mo ang kalidad ng paggawa mo sa kanila.
Sa kabuoan, kung gusto mong maging mas matagumpay sa mga bagay na pangarap mong gawin, kailangan mong gamitin ang iyong utak imbes na magpagod lamang sa pagtrabaho. Tulad ng kung paano ang maling porma sa weightlifting o pagbubuhay ay hindi makapagbibigay ng maayos na benepisyo at maaring magdulot din ng pagkapinsala kapag sumobra ka, ang pagiging matalino o madiskarte sa iyong mga gawain ay makapagbibigay ng mas mabuting resulta.
Sa lahat lahat, matutong maghanap ng mas mabuting paraan para gawin ang iyong trabaho, magfocus sa halaga o kalidad ng resulta kaysa sa pagpapagod lamang (at pagsasayang ng oras), at magconcentrate sa mga bagay na mahalagang tapusin.
Sana nagustuhan mong matutunan ang aral dito! Kung may mga idea ka pa tungkol sa pag-“work smart, not work hard”, ikuwento mo lang sa comments section sa ibaba!
[…] Tagalog Version (Click Here) […]