English Version (Click Here)
Maraming taon na ang nakalipas, naaalala ko noong sumali ako sa isang forex trading seminar dati. Ang guro ay nagturo ng pangunahing kaalaman o basics tungkol sa kung paano gumagana ang pagtrade ng currencies. Ang ilan sa mga natutunan namin ay kung paano gumagana ang markets, paano naaapektohan ng news at ekonomiya ang exchange rates, at iba pang aral gaya ng kung bakit magkaiba ang buy at sell price ng currency pairs (“spread” ang tawag dito), paano gamitin ang MT4 program, atbp. Ang event ay nagtagal hanggang gabi dahil sa dami ng itinuro sa amin. Mas-mahalaga pa ang seminar na ito dahil sa kung ano ang natutunan ko mula sa mga nakausap ko pagkatapos.
Pinakamalaking Pagkakamali na pwede mong gawin bago ka MagInvest
Pagkatapos ng seminar, nakausap ko ang isang matandang babae na nakasama namin sa pag-aaral ng forex trading. Habang pinaguusapan namin ang tungkol sa pagtrade ng currencies, nasabi ko sa kanya na nagiinvest din ako sa stocks at mutual funds. Dahil doon, ikinuwento niya sa akin ang masamang karanasan niya sa stock investing at sa isang investment broker (i.e. “Investment salesperson”).
Sabi niya ang broker ay nagpakita sa kanya ng napakabuting stock returns ng mga 20% kada taon at ipinakita din niya kung paano niya mapapalaki ang pera niya sa ganoong rates. Dahil doon ininvest niya ang life savings niya ng P100,000. Matapos ang ilang buwan, ang halaga ng investment niya ay bumaba ng 30% at nagbenta siya ng may malaking pagkalugi. Hindi ako nagdududa sa pagkalehitimo ng broker dahil posible ang ganoong returns (at palagi naman nilang ipinagyayabang ang mabuting returns), pero sana ang matandang babae ay nag-aral muna tungkol sa risks ng pag-invest sa equities at gumamit sana siya ng techniques kagaya ng “money cost averaging” o “diversification” para bawasan ang pagkalugi.
Sa isa pang pagkakataon, may dati akong kaibigan sa trabaho na may kapatid na nagtratrabaho sa investment department ng bangko. Ang bangkong iyon ay naglabas ng bagong mutual fund sa publiko at ang kapatid niya ang isa sa unang nag-invest doon. Malamang, tumaas ang presyo ng fund sa unang ilang buwan at kumita ang kapatid niyang iyon ng malaking halaga (mga 30% o higit pa kung tama ang pagkakakaalala ko). Ito’y nasa news bilang isa sa pinakamabilis na lumaking fung noong taong iyon. Siyempre, nagustuhan iyon ng kaibigan ko at lehitimo naman ang produkto kaya ininvest niya ang lahat ng ipon niya doon (mga P50,000).
Tama ang hinala namin at tumaas ang presyo ng investment ng kaibigan ko hanggang kumita siya ng mga 20%. Sa panahong iyon, nag-iinvest ako sa isang “nakakabagot” na index fund na nasa 10% lang ang kinita. Interesado ako noon sa bagong fund na iyon… pero nagdududa ako. Lehitimo nga na produkto iyon ng bangko, pero kutob ko na panandalian lang ang growth o paglago noon. Ang unang dahilan ay dahil bago lang ang fund o produkto kaya maraming interesadong pumasok dito at dahil doon tumaas ang presyo. Ang ikalawang dahilan ay ang kasabihang “past returns do not guarantee future performance” o “ang nakaraang nangyari ay hindi makakasigurado sa mangyayari sa kinabukasan” (yun din ang dahilan kung bakit mas mabuti ang index funds – hindi sila ganoon ka volatile gaya ng ibang equity funds). Hindi ako bumili ng shares at kinalimutan ko na lang iyon.
Nagdaan ang ilang buwan at nakausap kong muli ang kaibigan ko. Ang investment niya ay bumaba ang value matapos siyang mag invest at sa panahong iyon nalugi siya ng mga 15%. Mas lumaki pa ang pagkalugi niya noong nagdaan pa ang ilang buwan. Naalala ko din noong tinignan ko ang prospectus noong fund na iyon at karamihan sa kapital nila ay nakatali sa isang mining corporation na nagkaroon ng maraming pagkalugi at environmental complaints. Malamang isa pang dahilan iyon kung bakit nalugi ang fund. Hindi ko na binalikan ang mutual fund na iyon (baka nagrecover ito), pero may napakahalagang aral na matututunan natin dito:
“Risk comes from not knowing what you’re doing.” – Warren Buffett
(Ang pahamak ay nagmumula sa hindi mo pag-alam sa ginagawa mo.)
Ang pinakamalaking pagkakamaling pwede mong magawa bago ka maginvest ay ang HINDI PAG-AARAL sa kung ano man ang pag-iinvestan mo. Huwag kang mag invest kapag hindi mo ito naiintindihan, at huwag ka ring mag invest base sa kung ano man ang sinabi ng broker o salesperson. MAG-ARAL ka muna bago ka magsimula. Magbasa ka ng mga libro, sumali ka sa mga seminar, at pag-aralan mong mabuti ang basics bago mo ipagkatiwala ang oras at pera mo sa isang investment. Pag-aralan mo ang karanasan (at pagkakamali) ng ibang tao at siguraduhin mo na mayroon kang mabuting investing strategy o plano bago ka magsimula. Kung hindi, baka malaman mo ang masakit na kahulugan ng kasabihang “kung sa tingin mo malang ang edukasyon, subukan mong maging mangmang”.
Huwag mong kalilimutan: Mag-aral bago magsimula.
Kung gusto mong sumubok mag invest sa stocks, pwede mong basahin ang mga articles namin sa ibaba:
Ano ang Stocks at Bakit mo kailangang Mag-Invest Dito?
Paano pumili ng Stocks: 10 Terms na kailangan mong matutunan
Paano Mag Invest sa Stocks: Sampung Tuntuning Kailangan Matutunan
[…] na posibilidad na mawala ang pera mo sa masasamang investments tulad ng overhyped stocks at funds (basahin mo ang kwento ng aking kaibigan tungkol sa masamang mutual fund dito) at scams tulad ng EmGoldex […]