*Ang article na ito ay naglalaman ng affiliate links.
English Version (Click Here)
Magiging busy kami ngayong Mayo 2017 dahil maglalabas kami ng una naming (premium) ebook sa Amazon Kindle. Ito ay napakalaking kaganapan dahil kakailangan naming gamitin ang lahat ng aming natutunan tungkol sa business, marketing, at marami pang iba. Itong article na ito ay maiksing listahan ng ilan sa aming mga gagamitin. Baka gustohin mo ring basahin ito dahil baka magamit mo ang mga aral dito para sa iyong produkto, negosyo, o career.
*Note: Karamihan sa mga lessons dito ay natutunan namin sa mga librong nakalista sa ibaba.
Ilang Aral Tungkol Sa Negosyo (Na Pwede Mong Gamitin!)
1. Gumawa ng minimum viable product (MVP).
Ang isa sa pinakamahalagang kailangang gawin sa pagnenegosyo ay ang paggawa ng minimum viable product o “MVP.” Dapat ito ay isang produkto na kinakailangan ng mga tao, at ito ay dapat pwedeng ibenta para kumita. Itinuro ni Kawasaki na madali lang makakuha ng mabubuting idea, pero napakahirap silang buhayin at pagkakitaan.
Ang YourWealthyMind.com ay dating dumedepende lang sa Google at Nuffnang ads pati affiliate links sa revenue, pero ngayong maglalabas na kami ng personal finance at self-improvement ebook, magkakaroon na kami ng MVP na pwedeng ibenta. Kumpara sa maraming magkakaibang articles at lessons, ang ebook ay naglalaman ng KUMPLETONG kurso tungkol sa basics ng tagumpay at paghahawak ng pera.
2. Ipromote mo ang sarili mo pati ang iyong negosyo.
Ang kasabihang “if you build it, the customers will come” (kung may nilikha ka, dadating ang mga customers) ay hindi kumpleto. Ang kabuoan nito ay dapat “if you build it, customers will come IF THEY KNOW ABOUT IT” (kapag may nilikha ka, dadating ang mga customers KAPAG ALAM NILA ITO). Pwede kang lumikha ng pinakamabuting produkto sa mundo, pero kapag walang may alam nito, walang bibili at walang makakagamit nito para paunlarin ang kanilang sarili. Gaya ng isang doktor na marunong magligtas ng buhay at nagtayo ng klinic sa gitna ng dagat kung saan walang mga pasyente, kung wala kang ibinenta wala kang matutulungan. Kung may mabuti kang nilikha, gamitin mo ito para makatulong sa napakaraming tao!
3. Maghanap ng mga oportunidad.
Maraming paraan para magmarket ng ebook, at plano naming gamitin ang lahat ng alam namin para dito. Ang isang popular na paraan ay ang paggamit ng paid promotion services ng Amazon, isa pang paraan ay ang pag-advertise nito gamit Facebook, at isa pa ring paraan ay ang pagpromote nito sa mga nababagay na forums. May mga website din kagaya ng Ereader News Today, BookBub, at iba pa para sa pagpromote ng ebooks.
Kung gusto mong ipromote ang iyong produkto, negosyo, o serbisyo, makakahanap ka ng maraming oportunidad para mareach mo ang iyong mga market kapag naghanap ka ng mga paraan. Magbasa ka nga rin pala tungkol sa “growth hacking” dahil ito ay isang mindset tungkol sa paghahanap ng kakaibang paraan para mareach ang mga tao.
4. Humingi ng tulong (o UMARKILA).
Magaling tayo sa ibang bagay at hindi sa iba. Nililimitahan din natin ang ating makakaya kapag sinubukan nating gawin lahat ng mag-isa. Kahit pwede nating subukan gawin lahat kahit hindi maganda ang nagagawa natin, mas-mabuti at mas-mabilis kapag humingi tayo ng tulong mula sa iba. Mabuting maghire ng experto kaysa sa magrisk na mabigo. Iyon ang rason kung bakit ang mga negosyante at CEO ay naghihire ng isang buong kumpanya ng empleyado. Sa karamihan sa mga bagay na gusto mong gawin, may mga taong nakagawa na nito at naging dalubhasa dito. Huwag kang matakot sa paghire ng mga propesyonal dahil madalas sila ang basehan kung ikaw ay magtatagumpay o mabibigo. Yun nga pala ang dahilan kung bakit ako ay kumuha ng editor at cover designer para tumulong sa libro.
5. Ipagpatuloy mo lang.
Ang isang malaking aral sa buhay ay karamihan (kung hindi LAHAT) ng tagumpay at achievement ay nangangailangan ng panahon. Hindi mo matatapos agad agad ang lahat ng gusto mo. Ang librong irerelease ko ay umabot ng halos lahat ng 2014 at 2015 bago ko natapos isulat at irewrite ang unang manuscript (at tumigil din ako para magblog). Gayunpaman, noong kinuha ko ang Ideas for Good team para ireview ito noong November 2016, marami pa palang mali dito na kailangang itama.
Pwede akong sumuko sana—siguro sa mga ikalawa o ikatlong rewrite—pero hindi ko ginawa. Ginusto ko itong ipagpatuloy hanggang makumpleto ko ito at, salamat naman, natapos din. Hindi pa tapos ang laban dahil kailangan ko pang magrelease, magmarket, at siguro balang araw pagbutihin pa ito—gaya ng ginawa ni Guy Kawasaki sa The Art of the Start. Ano man mangyari, sulit na sulit ang pagpupunyagi dito.
6. Huwag tumigil sa pagpapabuti ng sarili.
Ang Toyota (at iba pang kumpanya sa Japan) ay gumagamit ng konseptong “kaizen.” Ang ibig sabihin noon ay palagi at hindi tumitigil na pagsisikap at pagpapabuti. Sa libro ni Ryan Gosling na Growth Hacker Marketing, ikinuwento nya ang sinabi ni Sean Beausoleil na “whatever your current state is, it can be better” (ano man ang kalagayan mo ngayon, pwede pa itong maging mas-mabuti). Ito’y isang napakahalagang aral na kailangan nating alalahanin. Bakit? Sahil kapag hindi nagpapabuti ang mga negosyo at ang ating lipunan, malamang gumagamit pa rin tayo ng dial-up internet, kalesa, at iba pang lumang bagay. Malamang nasa stone age pa rin tayo. Ang pagpapabuti o progress ay mahalaga para sa ating lahat dahil kailangan nating gumawa ng mabuti para sa mundo. Para sa amin naman, gagawin naming mas-mabuti ang YourWealthyMind.com sa content at sa iyong experience sa pagbrowse dito.
7. Ipagpatuloy ang Pag-aaral.
Itinuturo namin na kaya mong makamit ang halos lahat ng pangarap mo KUNG NATUTUNAN MO KUNG PAANO. Paramihin mo ang iyong (mabuting) kaalaman at mapaparami ang iyong magagawa. Kapag mas-marami kang kayang gawin, mas-marami kang oportunidad na mahahanap at magagamit. Ipagpatuloy mo ang pag-aaral mo sa mga bagong bagay—mga bagay na makakatulong sa iyong buhay. Yun ang dahilan kung bakit mag-aaral pa kami tungkol sa marketing, web design, pagnenegosyo, at iba pa. Ipopost din namin dito ang mga natututunan namin para magamit mo rin sila.
Leave a Reply