English Version (Click Here)
*Ang article na ito ay naglalaman ng affiliate links.
Marami sa atin ang nangangarap magtayo ng sariling negosyo, kaso hindi natin alam kung saan tayo dapat magsimula. Marami rin sa atin ang mga negosyante na o executive ng isang kumpanya at naghahanap ng bagong paraan para pagbutihin ang negosyong pinapatakbo natin, pero wala na tayong idea kung ano ang susunod na dapat nating subukan.
Buti na lang, may isang mabuting paraan para makahanap ng direksyon at matuto ng iba pang kaalaman tungkol sa pagnenegosyo. Ito ay sa pagbabasa at pag-aaral ng kaalamang ibinabahagi sa atin ng mga eksperto. Kaysa magsayang tayo ng ilang taon sa pagsusubok at pagpalya, pwede tayong matuto mula sa karanasan ng iba. Narito ang limang mahalagang libro tungkol sa pagnenegosyo na kailangan mong basahin ngayon!
Limang Mahalagang Libro Tungkol sa Pagnenegosyo na Kailangan Mong Basahin
1. The Personal MBA: Master the Art of Business ni Josh Kaufman
Kahit hindi kayang palitan ng iisang libro ang ilang taong pagaaral at patnubay mula sa mga eksperto sa isang business school, maituturo din naman ng librong ito ang pinakamahahalagang aral tungkol sa pagnenegosyo at pagiging entrepreneur.
May labing-isang bahagi ang librong ito: value creation (tungkol sa iyong produkto or serbisyo), marketing, sales, value delivery, finance, the human mind (basic business psychology), working with yourself (productivity at self-improvement lessons), working with others (leadership and management), understanding systems, analyzing systems, at sa huli, improving systems. Ang bawat aral ay nagpapabuti ng huli mong natutunan upang ituro sa iyo ang mga kailangan mong malaman para magpatakbo ng sarili mong negosyo.
Hindi mo alam ang pagkakaiba ng cash flow statement at ng income statement? Hindi mo alam kung bakit kailangan mong alamin ang iyong target market? Hindi mo alam na pwede mong paramihin ang iyong benta kapag PINATAAS mo ang presyo ng iyong mga produkto kaysa kapag pinamura mo lang ito? Ituturo ang mga iyon sa librong ito, at marami pang iba. Habang pinag-aaralan mo ang mga business terms at theories, maiintindihan mo kung bakit kailangan mo silang gamitin para pagbutihin ang sarili mong negosyo.
2. What They Don’t Teach You at Harvard Business School: Notes from a Street-smart Executive ni Mark H. McCormack
Ang pagnenegosyo ay hindi lang tungkol sa mga balance sheets at mission-vision statements o pagmomotivate ng mga empleyado at pagbabayad sa mga ads. Kailangan mo rin ng tamang diskarte (“street smarts”). Si Mark H. McCormack ang founder ng IMG (International Management Group) at ang kumpanya niya ang nagpropromote at nagmamanage ng maraming sports personalities at celebrities sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Dahil sa trabaho ng negosyo niya, kinailangan niyang makipagugnayan sa napakaraming tao. Itinuturo niya sa librong ito ang mga natutunan niya sa ilang taon niyang pagnenegosyo.
Kung gusto mong matutunan kung paano masusukat ang katapatan ng isang tao, paano mabasa ang personalidad ng iba, paano makipagugnayan sa mga masasamang executives at iba pa, mabuting basahin mo ang librong ito. Nagbibigay si Mark ng napakaraming payo mula sa lahat ng mga karanasan niya sa negosyo.
3. The Copywriter’s Handbook: A Step-By-Step Guide To Writing Copy That Sells ni Robert W. Bly
Bago ka pa man makapagbenta ng iyong produkto o serbisyo, kailangan mong matutunang ilarawan ito sa paraang magugustohan ito at bibilhin ito ng iyong mga customers. Ang description tulad ng “durog na wheat, yeast, hindi pa pinapanganak na anak ng manok, at produktong galing sa halaman na pinainitan ng ilang minuto” ay hindi makakakuha ng atensyon at benta… pero ang paglalarawan tulad ng “freshly baked caramel chocolate cake na magugustohan ng iyong pamilya, P500 lamang” ay pwedeng makabenta.
Ang unang bahagi ng librong ito ay tungkol sa pagsusulat ng epektibong ad copy at pag-iwas sa mga karaniwang pagkakamali. Kapag baguhan ka pa sa pagsusulat ng promotional materials, KAILANGAN mong basahin ito. Hindi mo alam, baka yung “nakakatuwang” ad mo pala ay hindi effective sa pagbenta ng inyong produkto. Sa paggamit mo sa mga aral mula sa librong ito, maiiwasan mong maubusan ng pera dahil sa mga hindi epektibong ads at malamang dadami ang benta mo dahil sa iyong mas epektibong promotional materials. I-click mo lang ang image link sa ibaba para makita mo ang libro.
4. Made to Stick: Why Some Ideas Survive and Others Die ni Chip Heath at Dan Heath
Ilang libong pangyayari ang nararanasan natin sa buhay ay wala tayong sapat na kakayahan para mapansin at maalala ang lahat ng ito. Kahit hindi ito “business book”, kapag ayaw mong makalimutan sa kaguluhan ng buhay ang iyong negosyo, kailangan mong maintindihan kung bakit ang ibang bagay ay nagiging popular at kung bakit ang karamihan ay nakakalimutan lamang.
Gamit ang article (tulad nito) bilang halimbawa, ito ang pagkakaiba ng pagtingin ng iba dito bilang isang walang kwentang mga kasulatan… kumpara sa pagtingin ng iba dito bilang isang napakahalagang aral na ipapahiwatig nila sa kanilang mga kaibigan at kamag-anak. Ang librong ito ay tutulong sa iyong baguhin ang iyong pagpapahayag at baguhin kung paano maaalala ng ibang tao ang iyong produkto. Habang ang The Copywriter’s Handbook ay makatutulong sa iyong magsulat ng mas epektibong ad copies, ito ay makakatulong sa iyong gawing mas epektibo ang iyong pagkuwento at maging kaalaala ang mga bagay na iyong itinataguyod. Kung gusto mong manatili sa alaala ng iyong mga customers ang iyong negosyo at produkto, kailangan mong matutunan ang mga prinsipyo sa loob ng librong ito.
5. Growth Hacker Marketing: A Primer on the Future of PR, Marketing, and Advertising by Ryan Holiday
Napakaraming marketers at negosyante ang nangangarap “maging viral”. Bakit naman hindi? Kaysa magbayad ng ilang libong piso para ipromote ang iyong produkto sa ilang libong tao at walang bumili, ang pagiging viral at makita ng ilang MILYONG katao ay malamang magdudulot ng ilang libong benta at magpapatatag ng iyong brand. Ang problema nga lang, ang pagiging viral ay hindi kasing simple lamang ng pagpost ng cute na advertisment para sa iyong produkto sa internet. Kailangan may mabigat na dahilan kung bakit gugustuhing ishare ng mga tao ang gawa mo sa kanilang mga kaibigan at kamag-anak.
Gusto mo ng halimbawa? Ang Hotmail ay lumaki ng husto noong naglagay sila ng “Get your free e-mail at Hotmail” sa ilalim ng mga emails na nagmula sa serbisyo nila (one MILLION members sa loob ng anim na buwan). Ang file-sharing service na Dropbox ay dating nagsimula lamang sa maliit na waiting list, pero gumawa sila ng video guide na mayroong jokes na customized para sa mga communities. Dahil doon, naishare ito ng mga tao at ang unang five thousand users ay dumami hanggang ito’y naging seventy five thousand, na naging halos APAT NA MILYON.
Kahit hindi ito isang “how to” book, ituturo dito ang mindset na kakailanganin mo para makahanap ng “growth hack” para sa iyong negosyo at palakihin ito ayon sa facts at data, hindi lang sa hula hula at paggamit ng karaniwang paraan. Sa panahon ngayon, ang mga “genius” marketing at business boosting strategies ay hindi nakakamit sa karaniwang big budget ad. Ito ay nahahanap sa mga napakatalinong galaw na hindi pa pala nadidiskubre ng iba at tamang tama lang para sa sitwasyon ng negosyo mo ngayon. Kung paano mahanap ang mga genius strategies na iyon at kung paano mo papalakihin ang iyong negosyo mula “ordinaryo” hanggang “pinakamagaling” ang gustong ituro sa iyo nitong librong ito.
At ayan na, limang mahalagang libro tungkol sa pagnenegosyo na kailangan mong basahin ngayon. I-click mo lang ang kahit anong picture link sa itaas para makita mo ang mga reviews at description nila!
Leave a Reply