English Version (Click Here)
Parehong nakakapagpasigla at nakakalungkot ang Enero. Sa pagdiwang ng bagong taon marami ang sumusubok gumawa ng mas mabuti at mas nakatutulong na habits, at napakarami din ang kukulangin ng disiplina at inspirasyon para ipagpatuloy ang mga pagbabagong ito. Ang iba naman, hindi nila alam ang gusto nilang gawin ngayong bagong taon. Kahit ang bawat isa sa atin ay mai iba-ibang idea kung ano ang pinakamabuting new year’s resolution, eto ang sampung gawaing pwede mong subukan sa dadating na panahon. Hindi mo kailangang gawin silang lahat, pero dahil sila’y mga popular na payo ng self-improvement literature, baka gugustohin mo silang subukan.
10 Best New Year’s Resolutions na pwede mong subukan ngayong Bagong Taon
Sabi ng self-development author at speaker na si Brian Tracy, ang success at pag-asenso ay dahil sa mga layunin at ang lahat ng iba ay komentaryo lamang. Gustohin man natin o hindi, ang buhay natin ay pagaling magbabago. Kung hindi natin kokontrolin ang pagbabagong ito at siguraduhing bubuti ang ating kalagayan, tayo’y magrereact lamang sa mga problema at hadlang na palagi nating haharapin.
Bago ko isinulat itong article na ito, umupo ako sa aming dinner table at nireview ko ang mga goals na isinulat ko noong nakaraang taon. Tinanggal ko ang mga nagawa ko na, at binago ko ang mga hindi ko pa natatapos. Subukan mo rin iyon. Isulat mo ang mga pangarap o layunin mo at gumawa ka ng mga bagay na tutuparin mo ngayong taon!
(Kung gusto mong matutunan ang mainam na paraan sa paggawa ng layunin, basahin mo itong article na ito: “Paano gumawa ng Layunin sa Buhay: Ang Pangunahing Sangkap ng Tagumpay”)
-
Magdesisyon kang umasenso
Itanong mo sa sarili mo: “Ano ang pwede kong gawin NGAYON para maisagawa o maipagpatuloy ang aking mga layunin?” Ano man ang sagot na maisip mo, GAWIN MO!
- Gusto mong magsimula ng negosyo ngayong taon? Isulat mo na ang business plan, tawagan mo ang mga bangko para sa mga loans at rates nila, ilista at kalkulahin mo ang mga kailangan ng negosyo, magtanong ka sa mga kaibigan mo o maghanap ka sa internet ng suppliers, pag-aralan mo kung paano maghanap ng mga empleyado, atbp.
- Gusto mong maging mas-mabuting leader o manager at mapromote? Magvolunteer ka para mamuno sa susunod na proyekto, magbigay ng mabuting feedback sa mga empleyado at katrabaho mo ngayon, ayusin mong muli ang mga prioridad ng iyong team at ireassign mong mabuti ang mga gawain, simulan mo nang isulat ang mga reports na kailangan mo sa susunod na buwan, atbp.
- Gusto mong maging mas-healthy? Umupo ka ng maayos sa iyong upuan, uminom ka ngayon ng baso tubig, kumuha ka ng prutas at kainin mo ito, bumili ka ng prutas at gulay sa susunod mong pagpunta sa grocery, atbp.
Sabi ni Tom Hopkins, ang mga nananalo sa buhay ay laging gumagawa ng pinakamabuting dapat gawin sa bawat oras. Lahat tayo’y mayroong 24 oras kada araw. Kailangan nating gamitin ito ng mabuti kung pangarap nating magtagumpay.
Isang sirang kubo sa lansangan, o magandang mansion na naglalaman ng lahat ng gusto at pangangailangan mo. Mangalakal sa basurahan para makakain, o magkaroon ng mabuting career o negosyo na nagbibigay ng magarang kita at pangkabuhayan. Kumita ng kakaringit na pera para mabuhay, o kumita ng napakaraming pera para mabuhay ng masagana at makatulong sa kapwa. Alin man sa mga iyon ang gusto mo, ikaw ang pipili ng pagsisikapan mo at kung saan ka magiging komportable. Ano man ang mga layunin mo, proyekto mo, o mga gusto mong gawin, lakihan mo ang iyong mga pangarap. Ang matataas na pangarap lang ang magbibigay sa iyo ng lakas, inspirasyon, at tapang na kakailanganin mo para magtagumpay.
-
Think Positive (Gawin mong Positibo ang iyong Pag-iisip)
Sabi nga, ang ating pag-iisip ay nagiging gawain, ang ating mga gawain ay ating nakakasanayan, at ang mga nakasanayan nating gawin ay basehan ng ating kapalaran. Tumigil ka na sa pagrereklamo tungkol sa iyong mga problema dahil binubulag ka nito mula sa iyong mga oportunidad at itigil mo na ang inggit sa tagumpay ng iba dahil ang mga negatibo mong pag-iisip ay babalik sa iyo at mananatili ka sa kabiguan. Kung pangarap nating makamit ang tagumpay, pagmamahal, kayamanan, kaibigan, at kasaganaan sa ating buhay, kailangan magsimula tayo sa paggawa at pagpapanatili ng mga ito sa ating isipan.
-
Makipagsama ka sa mga Mabubuting Tao
May kasabihan na ikaw ang average ng limang taong palagi mong nakakasama. Makisama ka sa mga mapagreklamo, mga talunan, at mga kriminal at ikaw ay magiging katulad nila. Makisama ka sa mga toxic na tao na palagi kang minamaliit kapag ikaw ay nagtagumpay at pinupuna ka kapag sinusubukan mong umasenso at ikaw ay mananatili sa iyong lebel ng kabiguan. Magsimula ka sa sarili at subukan mong maging mas-mabuting tao, saka ka makisama sa mga matagumpay na taong magbibigay sa iyo ng lakas ng loob, tutulungan kang ipagpatuloy ang mga kailangan mong gawin, at tutulungan ka at bibigyan ka ng magbubuting payo. Sa pagdaan ng panahon makakamit mo rin ang tagumpay katulad nila.
-
Alagaan mo ang iyong Kalusugan
“You are what you eat” (ang pagkatao mo ay mula sa kinakain mo) ay hindi lang isang kasabihan. Ang bawat cell sa iyong katawan (at utak) ay gawa sa at tumatakbo gamit ang iyong mga kinakain at iniinom. Isipin mong sasakay ka sa isang Ferrari o Porsche na gawa sa mahinang bakal at mumurahing plastik. Malamang aayawan mo ito dahil ito’y magkakaaksidente. Kung ayaw mong maging gawa sa basura ang iyong kotse, bakit mo hahayaang magaya dito ang iyong katawan at isipan? Ang iyong pagkilos at pag-iisip ay apektado ng iyong kalusugan, kaya alagaan mo ang iyong sarili ngayon pa lang.
Matulog ka ng mabuti gabi gabi, uminom ka ng mas maraming tubig kaysa softdrinks, kumain ka ng mas maraming prutas at gulay, tumigil ka na sa pagbili at pagkain ng sitsirya, pag-aralan mong magluto ng masustansyang pagkain kaysa bumili ng processed fast food, mag-ensayo ka kada umaga, sumali ka sa isang gym o martial arts class, atbp. Napakaraming positibong pagbabagong pwede mong gawin para sa iyong kalusugan at makakatulong ang mga ito sa iyong pagsisikap sa pangmatagalan. Hindi mo kailangang baguhin ang lahat ng iyong gawain nangg sabay sabay. Kailangan mo lang pagbutihin ang iyong lifestyle sa paisa-isang mabubuting pagbabago.
Isang natutunan ko mula sa librong Your Money or Your Life (ni Vicki Robin at Joe Dominguez) ay napakarami sa atin ang nagsasayang ng pera sa mga bagay na hindi natin kailangan dahil akala natin ito’y magpapasaya sa atin, pero madalas hindi tayo nagtatagumpay doon. Halimbawa, naaalala ko dati na isang linggo kong pinag-isipang bumili ng VR headset at binili ko ito ng ilang daang piso… at ito’y ginamit ko mga isa o dalawang beses lamang sa isang taon. Halos lahat tayo ay may mga bagay na binibili natin dahil nakakatuwang gumastos at hindi dahil sa benepisyong naibibigay ng binibili natin. Para sa iba, ito’y pagbili ng bagong damit, bagong gadget o videogame, o iba pa. Kailangan nating iwasan ang mga hindi kailangan at gamitin natin ang oras at pera natin sa mga mas mahahalagang bagay. Mga bagay na nagbibigay ng tunay at pangmatagalang benepisyo.
-
Pagbutihin mo ang iyong kakayahan at ipagpatuloy mo ang iyong edukasyon
Ano ang ginagawa mo ngayon para kumita ng pera? Magsulat ng papeles at articles para sa mga kliente at magazine? Magdevelop at magmarket ng bagong produkto para sa iyong kumpanya? Mamuno ng ilang dosenang team members? Ano man ang ginagawa mo, hindi ba panahon na para maging mas magaling dito?
Subukan mo ang ilang bagong productivity techniques para mas madami kang matatapos kada araw, gumawa ka ng bagong sistema para makaisip ng mas mabuting idea at pagoutline ng iyong mga isusulat, subukan mo ang mga bagong marketing techniques para dumami ang benta at kita, o mag-aral ka ng mga leadership techniques ng mga CEO at magagaling na managers. Sabi ni Oliver Cromwell, ang mga hindi nageensayo para mas gumaling ay nawawala sa pagiging magaling. Kailangan mong maghasa ng iyong mga kakayahan dahil kung hindi ikaw ay maiiwan.
-
Mag-aral ka ng bagong kakayahan!
Nariyan ka sa kinatatayuan mo, ang kasalukuyan mong antas ng tagumpay o pagkabigo, dahil sa mga bagay na natutunan mong gawin. Ang mga doktor ay kumikita ng pera dahil natutunan nilang magpagaling ng tao gamit medicine, ang mga real estate agents ay kumikita dahil natutunan nilang bumili at magbenta ng lupa, at ang mga CEO ay kumikita ng pera dahil natutunan nilang mamuno ng mga kumpanya. Nakamit mo ang iyong trabaho at laki ng kinikita dahil natutunan mo ang mga kakayahang kailangan para dito, at kung pangarap mong umasenso sa iyong career at lumaki ang sweldo kailangan mong matutunan ang kailangan para sa mga susunod na hakbang pataas.
Pag-isipan mo ngayon ang mga kakailanganin mong pag-aralan:
- Personal finance at investing para palakihin ang iyong net worth at makamit ang financial freedom?
- Paano bumili at magbenta ng real estate at paano magtayo ng rental properties o bahay na uupahan?
- Paano magsimula ng side-business tuwing weekends para kumita pa ng pera at balang araw maging full-time na negosyante?
- Mas-mabuting internet marketing techniques at “growth hacking” para makahanap ng mas-maraming customers para sa iyong negosyo o department? Copywriting? Paano gumawa ng mas mabuting “sales funnel”?
Ikaw ang bahala. Kapag mas-marami kang natutunan, mas-marami kang mahahanap na oportunidad.
-
UMAKSYON ka at MAGPATULOY!
Sabi na pinakabusy para sa mga gyms at fitness clubs ang Enero, pero sa pagdaan ng susunod na mga buwan ang mga tao ay nagsisilayasan. Ang mga positibong pagbabago ay hindi mangyayari kung hindi ka magsisimula at hindi ito magtatagal kung hindi mo ito ipagpapatuloy. Kapag gusto mong magsimula ng mabuting habit, ang pinakamadaling paraan para simulan ito ay patuloy mo itong gawin nang isang buong buwan. Pagdaan ng panahon, ito’y magiging automatic, gaya ng paggising sa isang nakatakdang oras para pumasok sa trabaho o pagsipilyo bago matulog. Kapag may natutunan kang bagong mabuting habit, saka ka na magdagdag ng kasunod nito.
Hindi naman talaga natin kailangang maghintay sa susunod na bagong taon para gumawa ng mabuting pagbabago, pero ang okasyon na iyon ay paalala para sa ating lahat na pagbutihin ang ating sarili. Ang pinakamabuting new year’s resolution ay magkakaiba para sa ating lahat, pero ang isang paraan para maging mas epektibo ito ay ang pagshare nito sa mga taong makatutulong sa iyo na maging responsable para dito. Bakit hindi mo subukang ishare ito dito?
Leave a Reply