English Version (Click Here)
Nagsulat na ako tungkol sa “pagkaswerte” sa ilang articles dati, pero ngayon basahin naman natin ang sinasabi ng iba tungkol dito. Kung gusto mong dagdagan ang iyong kaalaman tungkol sa pagiging maswerte sa buhay at kung papaano mo ito magagamit para makamit ang tagumpay, edi ituloy mo lang ang pagbabasa dito!
Mga Kasabihan Tungkol sa Pagkaswerte at Pag-Asenso sa Buhay
Nobody gets lucky all the time. Nobody can win all the time. Nobody’s a robot. Nobody’s perfect.
— Johnny Weir
Walang palaging sinusuwerte. Walang palaging nananalo. Walang tao na robot. Walang tao na perpekto.
You never know what worse luck your bad luck has saved you from.
― Cormac McCarthy
Hindi mo malalaman kung anong mas malalang sakuna ang naiwasan mo dahil sa iyong pagkamalas.
Every day a piano doesn’t fall on my head is good luck.
— Meg Rosoff
Swerte ang bawat araw na hindi ako binabagsakan ng piano sa ulo.
Sometimes not getting what you want is a brilliant stroke of luck.
— Dalai Lama
Minsan, maswerte ka dahil hindi mo nakamit ang gusto mo. (Note: Alam mo yung kasabihang “be careful what you wish for”? Ito yun.)
I think anytime you can affect people in general, in a positive way, then you’re a lucky individual.
— Sam Elliott
Sa palagay ko, ang kahit anong panahon na napabubuti mo ang kalagayan ng iba ay pagkaswerte mo.
Luck is the idol of the idle.
— An Old Proverb
Ang pagkaswerte ay idolo ng mga tamad.
Men have made an idol of luck as an excuse for their own thoughtlessness.
— Democritus
Iniidolo ng mga tao ang pagkaswerte bilang palusot para sa kanilang katamarang mag-isip.
Shallow men believe in luck or in circumstance. Strong men believe in cause and effect.
― Ralph Waldo Emerson
Ang mabababang uri ng tao ay naniniwala sa swerte o sa kalagayan. Ang mga magagaling ay naniniwala sa sanhi at epekto.
People always call it luck when you’ve acted more sensibly than they have.
— Anne Tyler
Palagi nilang tinatawag na swerte ang gawain mo kapag mas pinag-isipan mo ang mga gawain mo kumpara sa kanila.
Luck is what happens when preparation meets opportunity.
— Seneca
“Pagkaswerte” ang nangyayari kapag ang preparasyon ay nakahanap ng oportunidad.
I don’t rely on feng shui. I believe hard work brings us good luck and success.
— John Gokongwei
Hindi ako umaasa sa feng shui. Naniniwala ako na ang pagsisikap ang nagbibigay ng swerte at tagumpay.
Luck is not chance. It’s Toil. Fortune’s expensive smile is earned.
— Emily Dickinson
Ang swerte ay hindi pagkakataon. Ito ay pagpupunyagi. Ang napakamamahaling ngiti ng pagkaswerte ay pinagsisikapan.
Good luck is when opportunity meets preparation, while bad luck is when lack of preparation meets reality.
— Eliyahu Goldratt
Ang pagkaswerte ay ang panahong nagkita ang oportunidad at preparasyon, habang ang kamalasan naman ay ang resulta ng kawalan ng preparasyon kapag nakaharap nito ang pagdaloy ng buhay.
Good luck is a residue of preparation.
— Jack Youngblood
Ang pagkaswerte ay isang resulta ng preparasyon.
The only thing that overcomes hard luck is hard work.
— Harry Golden
Ang iisang bagay na mas matimbang sa kamalasan ay pagsisikap.
The harder I practice, the luckier I get.
— Gary Player
Kapag dinagdagan ko ang aking pagpractice, mas lalo akong sinusuwerte.
The winds and waves are always on the side of the ablest navigators.
— Edward Gibbon
Ang hangin at alon sa dagat ay palaging pumapanig sa pinakamagagaling na mandaragat.
I’ve found that luck is quite predictable. If you want more luck, take more chances. Be more active. Show up more often.
— Brian Tracy
Napansin ko na pwede mong hulaan ang daloy ng pagkaswerte. Kung gusto mong maging mas maswerte, dapat mas marami kang gawin. Maging mas aktibo ka. Dumayo ka nang mas madalas sa kung anu ano.
My success was due to good luck, hard work, and support and advice from friends and mentors. But most importantly, it depended on me to keep trying after I had failed.
— Mack Warner
Ang aking tagumpay ay nanggaling sa pagkaswerte, pagpupunyagi, at suporta at payo mula sa aking mga kaibigan at guro. Mas mahalaga pa doon, ito ay nakabase sa aking pagpupunyagi kahit ako ay nabibigo.
Inspiration is one thing and you can’t control it, but hard work is what keeps the ship moving. Good luck means, work hard. Keep up the good work.
— Kevin Eubanks
Ang inspirasyon ay hindi natin kontrolado, pero ang pagsisikap ang nagpapatakbo ng ating barko. Ang pagkaswerte ay pagpupunyagi. Ipagpatuloy mo lang ang iyong mabuting gawain.
Kahit ang pagkaswerte ay bahagi ng pagkamit ng tagumpay, pwede naman nating palakihin ang pagkakataon nating swertehin sa buhay. Pwede nating ayusin ang ating buhay sa paraang mas mapaparami natin ang pagkakataon nating makakuha ng mga oportunidad, at pwede nating ihanda ang ating mga sarili para tayo ay swertehin at gamitin nang husto ang mga oportunidad kapag may mga nahahanap tayo.
Sabi nga, kung naghahanap ka ng trabaho, kaysa ipasa ang resume sa dadalawa o tatatlong kumpanya lamang, magiging mas “maswerte” ka kung dinamihan mo ang mga pinapasahan mo ng resume. Magiging mas maswerte ka kung ikaw ay nagreresearch at nageedit ng iyong resume ayon sa kung ano ang mga katangiang kinakailangan ng iyong mga papasuking kumpanya. Magiging mas maswerte ka pa kung pinag-iisipan mo rin ang iba pang trabaho, career, negosyo, at iba pang bagay na may kwalipikasyon kang gawin, at pag-isipang subukan sila.
Maraming bagay sa buhay ang pwedeng matsambahan sa pagpaparami at pagpapalawak lamang ng iyong ginagawa. Kapag mas lalo tayong nagsikap kahit tayo ay nabibigo (at malamang, mabibigo tayo madalas sa buhay), mas dadami rin naman ang pagkakataon nating magtagumpay sa mga pangarap nating gawin.
Sana ay nagustuhan mo ang pagbabasa nitong article na ito. Kung gusto mong matuto ng iba pang mga aral, tignan mo lang din ang aming article list o resource page dito sa link na ito!
Leave a Reply