English Version (Click Here)
“Annual income twenty pounds, annual expenditure nineteen six, result happiness. Annual income twenty pounds, annual expenditure twenty pound ought and six, result misery.” – Charles Dickens
Maililigtas mo ba ang lumulubog na bangka kapag hindi mo alam kung nasaan ang butas nito? Makakaipon ka ba ng pera kapag hindi mo alam kung saan ito nauubos? Ang isa sa pinakamabuti at pinakasimpleng paraan para bawasan ang iyong paggastos ay ang pag-alam ng pinupuntahan ng pera mo at SAKA mo bawasan ang pag aksaya mo nito. Pagkatapos noon, ikumpara mo ang gastos sa kinikita mo at bawasan mo ito hanggang mas-nakahihigit ang sahod mo kaysa sa paggastos mo.
Para sa akin, nakita ko na ang pinasimpleng version ng technique nina Vicki Robin and Joe Dominguez’ sa libro nilang “Your Money or Your Life” ay mabuting gamitin, at ipapakita ko kung paano mo ito magagamit dito.
*Siya nga pala, pwede kang gumawa ng sarili mong file, o pwede mong gamitin ang libreng template na ibibigay ko sa iyo mamaya. Ginagamit ko iyon mula pa noong 2009.
Una: Paano nakatutulong magtipid ng pera ang pagsulat ng iyong paggastos?
-
Alam mo kung saan nasasayang ang pera mo.
Sa pagsusulat ng bawat pisong ginagastos, malalaman mo kung saan napupunta ang pera mo at kung saan ito nasasayang. (Hal. Kung KALAHATI ng sahod mo ay napupunta sa “damit” o “credit card” buwan buwan, dapat suriin mong mabuti ang mga iyon).
-
Makakatipid ka ng pera.
Kung alam mong kailangan mong gumamit ng ilang segundo para isulat ang ginastos mong pera, baka iiwasan mo na lang itong bilhin. Ang maliit na hadlang na iyon ay pipigil sa napakaraming biglaang pagbili at ikaw ay makakatipid ng pera.
-
Mas-gaganahan kang ayusin ang finances mo.
Isulat mo ang gastos at SAHOD/Income mo buwan buwan at i-graph mo ng mga ito. Kapag nakikita mong unti-unting bumababa ang linya ng gastos kumpara sa linya ng income, mas-gaganahan kang magtipid pa (at kung nakikita mong sumosobra bigla ang paggastos mo, lilimitahan mo ang gastusin mo para hindi ito lampasan ang iyong kita).
Para magsimula sa pagsubaybay, kailangan mo ng:
- Google Sheets Account. (Madali kang makakakuha nito kapag mayroon kang Gmail account).
- Google Sheets App* sa iyong smartphone (iStore / Play Store).
- Isang file kung saan maitatala mo ang iyong mga gastusin kada buwan (May sample ako para sa iyo mamaya).
- Isang file kung saan maigra-graph mo ang iyong gastusin at ang iyong kinikita (ang layunin mo ay bawasan ang paggastos at magtipid hanggang ang kinikita mo ay mas mahigit pa kaysa dito).
*Note: Pwede mo ding gamitin ang MS Excel (paid program/kailangang bilihin) o Openoffice (FREE/LIBRENG program), pero lumipat ako sa Google Sheets dahil libre din ito at mayroon itong online backup.
Itala mo ang mga Kategorya ng iyong mga Gastusin:
Gumawa ka ng isang sheet para sa buwan (hal. September 20XX) at isetup mo ang mga kategorya ng gastusin*. Pwede kang magdagdag o magbawas kung kailangan mo. Ito ang mga ginagamit ko:
- Food – Pagkain para sa iyo at pamilya mo.
- Transportation – Gas, parking, commute, atbp.
- Utilities – Kuryente, tubig, internet, repairs, mortgage, credit card payments, atbp. (Mayroon akong subcategory dito para sa mga toiletries at mga gastusing hindi pagkain.)
- Clothing – Damit, accessories, jewelry/alahas, atbp.
- Health – Pambayad sa doktor, gamot, health food (tea, etc.), supplements, atbp.
- Education – Books, seminars, etc.
- Entertainment – Movies, video games, party kasama mga kaibigan, atbp.
- Family – Regalo sa Christmas and Birthday, financial support, allowance para sa mga anak, atbp.
- Donations – Donations at limos.
- Business – Business expenses na binayaran mo mula sa sarili mong pera.
- Unclassified/Others
- Income – Sweldo/kita, allowances, cash gifts na natanggap, atbp.
*Note: Pwede kang magdownload ng FREE template mamaya.
Paano Irecord ang iyong Gastusin:
1. Kapag may binili ka, irecord mo kung magkano ang ginastos mo sa iyong file. Yun lang yun! Kung hindi mo maaccess ang file mo, isulat mo ang ginastos mo sa papel (yun ang madalas kong ginagawa. Kapag nakasanayan mo na, kasing dali ito ng paglalakad.)
2. Buwan buwan, suriin o ireview mo ang gastusin mo at tignan mo kung saan napupunta ang pera mo. Itanong mo sa sarili mo: May mga bagay ba na pinagaaksayahan ko lang ng pera? Anong mga gastusin ang pwede kong bawasan? May mga paraan ba para pataasin ko ang aking kinikita?
3. Ikumpara at iGraph mo ang gastusin mo laban sa iyong kinikita. (Ang Google Sheets ay may “Insert Chart” tool kung saan pwede kang gumawa ng line graph para sa iyong kinikita at paggastos. Pwede mo ring gamitin ang template namin dito.)
Note: Hindi mo kailangang madismaya kung ang gastos mo ay mas-malaki sa kita sa simula o minsan lumalaki ito ng sobra dahil sa mga seryosong emergency. Nangyayari ito sa maraming tao (kasama na ako doon). Bahagi ito ng buhay, ay ang layunin mo lang dito ay pababain ang paggastos kumpara sa kinikita hangga’t kaya mo.
Ito ang aking buong chart. Naalala mo noong umalis ako sa trabaho noong February 2016 para magblog/magsulat full time? Yun ang dahilan kung bakit may mga buwan akong zero ang kinikita (bukod sa minsanang passive income).
Isang Espesyal na Payo Tungkol sa Utang:
Nagpapasalamat ako sa isang reader (J.B.) dahil itinanong niya ito! Hindi ako madalas nanghihiram o kumukuha ng loans kaya hindi ko masyadong pinagisipan ang tungkol sa kung paano magrecord ng utang, pero sa ganito, ito ang gagawin ko:
- Para sa Long Term Debts tulad ng loans at mortgages na may monthly payments, irerecord ko ang perang nakuha mula sa loan at ang expense (hal. “bumili ng kotse gamit ang isang P250,000 loan”) sa ibang file, saka ko isusulat ang debt payments kada buwan bilang isang expense.
- Para sa Short Term Debts tulad ng panghihiram ng maliit na halaga mula sa kaibigan, irerecord ko ang halaga ng binili ko o ang perang nawala bilang pambayad sa utang. Hindi mo dapat irecord ang dalawa dahil magooverlap sila. Tandaan, kapag wala kang savings o ipon at masyado kang maraming binili gamit ang utang, makikita mo NEGATIVE ang iyong computation ng income and expense. Iyon ang nangyayari kapag nababaon ka sa utang—mas-marami kang binibili kumpara sa iyong kinikita.
Ipagpatuloy mo lamang ito at balang araw, mababawasan mo ang gastusin mo dahil alam mo na kung saan nasasayang ang pera mo. Pababain mo ang paggastos, palakihin mo ang iyong kinikita, at gamitin mo ang natipid mong pera para mag-invest at kumita pa ng mas-marami!
Kung gusto mo nga palang matutunan kung paano mag invest ang perang natipid mo, mayroon ditong ilang articles na dapat mong basahin:
Ano ang Stocks at Bakit mo kailangang Mag-Invest Dito?
15 Minutes para sa Iyong Kinabukasan: Paano Mag-Budget at Mag-Invest para Magpayaman
Paano Mag Invest sa Stocks: Sampung Tuntuning Kailangan Matutunan
Siya nga pala, para sa LIBRE mong Expense Tracker Template at LIBRENG Graph Template, isulat at isubmit mo lang ang email mo sa ibaba at ipapadala o isesend namin ito sa iyo!
Ang “Tracker Template” (May simple version at may isa pang version na may subcategories) ay automatic na nagcacalculate ng mga totals mo sa ikalawang sheet nito, at pwede mong kopyahin lang ang mga numero sa “Income vs Expense Graph.” Siya nga pala, iupload mo lang ang mga .xlsx files na ito sa Google Sheets Account mo at pwede mong buksan o iedit ang mga iyon doon.
Leave a Reply