English Version (Click Here)
Ang isa sa pinakamabuti mong pwedeng gawin para makamit ang tagumpay ay ang magtakda ng long-term goals o layunin. Sayang lang na minsan, hindi tayo nagtatagumpay dito o hindi natutupad ang mga plano natin. Ano nga ba gagawin mo tungkol doon?
Sa pagbabalik-tanaw ko sa nakaraang ilang buwan, klaro na hindi ko natupad ang ilang mga layunin o goals ko sa mga itinakdang deadlines. Halimbawa, ang kita na planado ko ay hindi umabot sa gusto ko, ang librong dapat tinapos at naipublish ko noong November 2016 ay nangailangan pala ng ilang buwan pang trabaho, at may ilan din akong personal na pangarap na hindi ko natupad na hindi ko sasabihin dito.
Maswerte nga lang, may ilan din akong layuning natupad. Ang isang dati kong layunin ay maapprobahan ang aking AdSense account bago mag December 31, 2015… at naapprobahan nga ito sa gabi ng December 30, 2015. Isa pang maliit na layunin ko ay ang makakuha ng higit isandaang views kada araw… at natupad ko iyon ilang buwan bago ang deadline.
Gayunpaman, sa buhay natin malamang hindi natin makakamit ang ilang gusto natin sa panahong pangarap natin silang makuha. Anong gagawin mo kapag hindi mo natupad ang ilang layunin mo? Narito ang aking tatlong payo para sa iyo.