• Home
  • About us
  • Articles
    • Resource Page
    • Quotes
    • Success
    • Self-Improvement
    • Wealth and Finance
    • Leadership and Management
    • Tagalog Translations
  • Gallery
  • Contact Us

Your Wealthy Mind

Because Ideas Change Lives

  • Success
  • Wealth and Finance
  • Leadership and Management
  • Self-Improvement
  • Quotes
  • Tagalog Translations
Home » tagalog » Page 21

Hello!
Please click the "Tagalog" category to view our translated articles!!

20 Inspirational Quotes Tungkol sa Pagsisikap at Pagkamit ng Tagumpay

May 15, 2018 by Ray L. 1 Comment

20 Inspirational Quotes Tungkol sa Pagsisikap at Pagkamit ng Tagumpay - Your Wealthy Mind
English Version (Click Here)

Minsan ang kailangan lang natin ay kakaunti pang karagdagang lakas ng loob upang malagpasan ang araw at makagawa ng isa pang hakbang patungo sa tagumpay. Narito ang dalawampung inspirational quotes tungkol sa tagumpay at pagsisikap na malamang magbibigay sa iyo ng lakas para ipagpatuloy ang iyong pagpupunyagi.

1. “You are never too old to set another goal or to dream a new dream.” — Les Brown

Gaano ka pa man katanda, pwede ka pa ring magsimula ng bagong layunin o mangarap ng bagong pangarap.

 

2. “If you don’t like how things are, change it! You’re not a tree.” — Jim Rohn

Kung hindi mo gusto ang kalagayan mo ngayon, baguhin mo! Hindi ka naman puno.

 

3. “We may encounter many defeats, but we must not be defeated.” — Maya Angelou

Makaranas man tayo ng napakaraming pagkatalo, hindi natin dapat tanggapin ang kabiguan.

 

4. “In order to succeed, we must first believe that we can.” — Nikos Kazantzakis

Upang magtagumpay, kailangan muna nating paniwalaan na kaya nating magtagumpay.

 

5. “The secret of getting ahead is getting started.” — Mark Twain

Ang sikreto sa pagasenso ay ang pagsisimula (ng pagsisikap o pagpupunyagi).

[Read more…]

Paano Malaman Kung Sulit ang Iyong Paggastos (o Hindi)

May 8, 2018 by Ray L. Leave a Comment

Paano Malaman Kung Sulit ang Iyong Paggastos o Hindi - Your Wealthy Mind

*Ang article na ito ay naglalaman ng affiliate links.

English Version (Click Here)

Nagbigay si Orison Swett Marden ng mabuting payo para malaman natin kung sulit man o hindi ang paggastos natin ng pera: “It is wholly a question of what you get out of your expenditure, not its amount, which makes it a wise expenditure or a foolish one.” Ang nakuha mo sa iyong paggastos, hindi ang laki ng halagang ginastos mo, ang batayan ng kabutihan o pagkasulit ng iyong gastusin. Kung lamang ang pakinabang na nakuha natin kumpara sa ginastos, mabuti ang paggastos natin. Eto lang ang kailangan nating tandaan. Ang halaga ng bagay ay hindi palaging maitutugma sa presyo nito, at napakaraming gastusin ang walang kwenta gaano pa man kaakit-akit ang bawas o pagkamura nito.

Heto ang isang maiksing guide na pwede mong gamitin para malaman kung maayos ba ang iyong paggastos ng pera.

[Read more…]

Limang Mahalagang Libro Tungkol sa Pagnenegosyo na Kailangan Mong Basahin

May 1, 2018 by Ray L. Leave a Comment

Limang Mahalagang Libro Tungkol sa Pagnenegosyo na Kailangan Mong Basahin - Your Wealthy Mind
English Version (Click Here)

*Ang article na ito ay naglalaman ng affiliate links.

Marami sa atin ang nangangarap magtayo ng sariling negosyo, kaso hindi natin alam kung saan tayo dapat magsimula. Marami rin sa atin ang mga negosyante na o executive ng isang kumpanya at naghahanap ng bagong paraan para pagbutihin ang negosyong pinapatakbo natin, pero wala na tayong idea kung ano ang susunod na dapat nating subukan.

Buti na lang, may isang mabuting paraan para makahanap ng direksyon at matuto ng iba pang kaalaman tungkol sa pagnenegosyo. Ito ay sa pagbabasa at pag-aaral ng kaalamang ibinabahagi sa atin ng mga eksperto. Kaysa magsayang tayo ng ilang taon sa pagsusubok at pagpalya, pwede tayong matuto mula sa karanasan ng iba. Narito ang limang mahalagang libro tungkol sa pagnenegosyo na kailangan mong basahin ngayon!

[Read more…]

Paano Maging Mas Productive gamit ang Pomodoro Technique

April 24, 2018 by Ray L. Leave a Comment

Paano Maging Mas Productive gamit ang Pomodoro Technique - Your Wealthy Mind
English Version (Click Here)

Magfocus ka sa isang gawain, pero magpahinga ka nang madalas. Kahit madalas isipin ng mga managers na “productivity” ang pagtratrabaho paggamit ng maraming oras (plus overtime) sa trabaho, ang katotohanan ay ang pagtrabaho nang hindi nagpapahinga ay nakakapagpapagod lamang. Nagtratrabaho ka nga nang mas matagal, pero pagkalipas ng ilang oras bumababa ang kalidad ng iyong nagagawa at nababawasan ang iyong natatapos.

Huwag mong kakalimutan na hindi mahalaga ang dami ng oras na ginamit mo sa trabaho. Ang mas mahalaga ay ang kung ilang importanteng gawain ang natapos mo at kung gaano mo kabuti silang nagagawa. Paano mo nga naman papagbutihin ang gawain mo sa opisina (o sa iskwelahan)? Subukan mong gamitin ang Pomodoro technique na inimbento ni Francesco Cirillo noong 1980s. Narito ang paraan kung papaano mo magagamit ang technique na ito upang maging mas epektibo.

[Read more…]

Paano Mag-Aral at Matuto ng Bagong Kakayahan

April 17, 2018 by Ray L. Leave a Comment

Paano Mag-Aral at Matuto ng Bagong Kakayahan - Your Wealthy Mind
English Version (Click Here)

May iisang paraan para malaman kung alam mo talagang gawin ang isang bagay, at ito ay kapag madalas mong gamitin ang kakayahang iyon at palagi mo siyang nagagawa nang maayos. Ang ibang tao iniisip na dahil lang nakapagbasa sila ng ilang dosenang blog articles o nanood sila ng ilang dosenang training videos sa YouTube, “eksperto” na sila sa isang bagay (tulad ng mga YouTube “martial arts experts” sa mga internet forums). Hindi ganoon ang buhay at wala pa ring makakatalo sa tunay na experience.

May mga kakayahan ka bang gustong matutunan tulad ng business, investing, writing, graphic design, engineering, o iba pa? Pagkatapos matuto mula sa mga qualipikadong eksperto, narito ang ilang mga payo para makasigurado kang natutunan mo talaga ang isang bagay.

[Read more…]

  • « Previous Page
  • 1
  • …
  • 19
  • 20
  • 21
  • 22
  • 23
  • …
  • 47
  • Next Page »

Sign-up for Freebies!

Enter your email and click to get Freebies and Updates!

Privacy Policy

Want to learn more? Read these!

Book 1
Book 2
Book 3
Book 4
Book 5
previous arrow
next arrow

Search this Website

PropellerAds
Privacy Policy

Affiliate Policy

Copyright © 2025 · Magazine Pro Theme on Genesis Framework · WordPress · Log in