• Home
  • About us
  • Articles
    • Resource Page
    • Quotes
    • Success
    • Self-Improvement
    • Wealth and Finance
    • Leadership and Management
    • Tagalog Translations
  • Gallery
  • Contact Us

Your Wealthy Mind

Because Ideas Change Lives

  • Success
  • Wealth and Finance
  • Leadership and Management
  • Self-Improvement
  • Quotes
  • Tagalog Translations
Home » tagalog » Page 43

Hello!
Please click the "Tagalog" category to view our translated articles!!

Paano Pumili ng Pinakamabuting Libro: Guide Para sa naghahanap ng Self-Improvement at Non-Fiction

February 12, 2016 by Ray L. Leave a Comment

choose best books on anything self improvement non fiction hunters guide pixabay yourwealthymind your wealthy mind
English Version (Click Here)

Minsan iisang napakahalagang impormasyon na lang ang kailangan mo para magtagumpay, at isa sa pinakamabuting paraan para makamit ito ay pag-aralan ang isinulat ng mga nagtagumpay na. Ito ang aking maikling guide tungkol sa kung paano pumili ng pinakamabuting libro tungkol sa kahit-anong kailangan mong gawin.

 

(Bago ang lahat!) Bakit Libro at hindi mga Libreng Blog Posts at Internet Resources?
  • Madalas, ang mga mabubuting libro ay naka-organize ng mabuti mula sa simula hanggang katapusan. Kahit makakahanap ka ng kaparehong impormasyon sa napakaraming blog post, ang mga idea ay hiwa-hiwalay at malamang mahihirapan kang buoin at gamitin ang lahat ng ito.
  • Di gaya ng mga blog posts na, dahil kailangan nilang maging maikli at hindi nila kayang i-discuss ang isang topic ng malalim, ang mga libro ay kayang maging mas-detalyado tungkol sa sakop nila at kaya nila itong gawin ng mas-consistent sa tema.
  • Ito ang pinakamahalagang rason: Dahil KAHIT SINO ay pwedeng magsulat lang sa isang blog, malalaman mo na MILYON-MILYONG posts (at “free” eBooks) ay walang-kwenta gaya ng mga kinopyang post (plagiarized), black hat SEO spam, atbp. (blogger din ako pero sinisigurado ko na mahalaga ang mga pinopost ko). Sa kabilang dako, ang mga libro ay nairereview muna ng mga editors bago i-publish at isa itong paraan para hindi malakabas ang mga walang kwenta. Ang isa pang seguridad ay ang mga reviews na ginagawa ng ibang tao at naka-post ang mga ito sa internet. Kapag binasa mo ang mga review na ito, malalaman mo kung tama nga ba para sa iyo ang impormasyong nilalaman ng isang libro.

[Read more…]

31 Self Improvement Tips para Magbago ng Kapalaran

February 9, 2016 by Ray L. 5 Comments

31 self improvement tips to change your destiny pixabay yourwealthymind your wealthy mind
English Version (Click Here)

Gaya ng kapag naging bihasa ka sa laws of physics at aerodynamics kakayanin mong lumipad, kapag natutunan at naging bihasa ka sa mga tuntunin ng buhay, mas-marami kang makakamit kaysa sa iba. Kapag pangarap mong makamit ang lahat ng iyong makakaya, kailangan mong alamin itong 31 self improvement tips na ito:

 

Para sa Mas-mabuting Kinabukasan
  1. Maging responsable para sa iyong Kapalaran

Ano ang palaging ginagawa ng mga UNSUCCESSFUL? Palagi nilang sinisisi ang ibang tao at palagi silang may palusot, lalo na sa kanilang sariling kasalanan at masamang habits. Palaging ang boss nila, ang ekonomiya, o ang gubyerno ang may kasalanan. Dahil hindi nila inaamin ang SARILI nilang pagkakamali, hinihintay lang nilang magbago ang mundo at hindi nila naiintindihan na sila ang may kakayanang magpaasenso sa kanilang sarili. Kung pangarap mong umasenso, dapat alalahanin mo na IKAW ang responsable sa iyong kapalaran.

  1. Magtakda ng MALAKING Layunin

Sabi ko nga sa isa kong article, ang nabubuhay ng walang layunin ay nagsasayang ng buhay para sa wala. Kung inuubos mo ang panahon mo sa pag-aalala at pag-react sa mga problemang palagi na lang sumusulpot, malalaman mo na lang na nasa katapusan ka na pala ng buhay mo at nagsisisi na wala kang mabuting nakamit.

[Read more…]

Paano Magtipid ng Pera: Tatlong Masamang Mindset na Kailangang Iwasan

February 2, 2016 by Ray L. 2 Comments

how to save money three thought patterns to unlearn now pixabay yourwealthymind your wealthy mind
English Version (Click Here)

Isipin mong may robot na palaging bumabangga sa mga bato, pader, at nahuhulog palagi sa bangin habang nagtratrabaho sa isang lugar. Dahil sa naka-program na pattern na iyon, nasisira ang robot at kailangan siyang ayusin linggo linggo. Kahit alam ng robot na masamang masira, hindi niya mapigilan ang sarili niya dahil ganoon ang pagkaprogram sa kanya. Ganoon din tayong mga tao at kailangan nating maintindihan iyon para matutunan natin kung paano magtipid ng pera:

Kapag binago natin ang “bad programming” na nagdudulot ng pag-aksaya sa pera, mapipigilan natin ang paninira sa ating kinabukasan.

“Ang kasiyahan ng karamihan ay hindi naglalaho dahil sa malalaking trahedya o pagkakamali, pero sa paguulit-ulit ng mga maliliit na bagay na nakasisira dito.” – Ernest Dimnet

[Read more…]

Malaking Hakbang Palusong: Pagbabago ng Career

January 29, 2016 by Ray L. 1 Comment

great leap forward choosing to change careers pixabay yourwealthymind your wealthy mind
English Version (Click Here)

Sabi ni W. L. Bateman “Kapag ginagawa mo palagi ang nakasanayan mong gawin, ang makukuha mo lang ay ang palagi mong nakukuha.” Alam mo kung paano tinuturo palagi ng mga life coaches na kapag nanatili ka sa trabahong ayaw mo at hindi ka nagsikap para sa kinabukasan mo, hindi ka aasenso?  Ang desisyon tungkol sa pagbabago ng career ay hindi madali, pero minsan kailangan mo talaga itong gawin.

 

Panahon na para sa Pagbabago

Nagtrabaho ako sa isang Business-process outsourcing (BPO) na kumpanya sa nakaraang anim na taon (January 2010 hanggang January 2016) at marami akong natutunan doon. Nagkaroon ako ng napakaraming kaibigan at masayang karanasan, pero ang mga pagbabago sa opisina noong nakaraang buwan ay hindi na tama para sa akin kaya naisipan ko nang umalis.

Bakit ako nagsulat tungkol dito? Kapag ikaw mismo ay hindi pa umaalis sa trabahong hindi mo gusto, baka mabigyan kita ng lakas ng loob para maghanap ng mas-mabuting daan sa buhay.

“Kapag nagdesisyon ka, ang mundo ay gagalaw para magkatotoo ang gusto mo.” – Ralph Waldo Emerson

 

[Read more…]

Ang Sikreto ng mga Matagumpay: Pagplano at Pag-iisip para sa Kinabukasan

January 19, 2016 by Ray L. 1 Comment

the achiever's secret long term goals thinking pixabay yourwealthymind your wealthy mind
English Version (Click Here)

Pwede kang mabuhay ng matagumpay, o pwede kang mabuhay ng walang katuturan. Paano mo malalaman kung alin ang iyong makakamit? Ito ang isang paraan: Kapag mas-malayo sa hinaharap ang pinag-iisipan o pinagplaplanuhan mo, malamang magiging matagumpay ka.

Marami sa atin ang iniisip na edukasyon, pagiging anak-mayaman, talino, atbp. lamang ang nagbibigay-tagumpay, pero ayon sa research ni Dr. Edward Banfield, hindi iyon totoo. Matapos pag-aralan ang napakaraming matagumpay o mayaman na tao, nakita niya na ang pinakamahalagang bagay ay ang isang paraan ng pag-iisip: Ang mga matagumpay sa buhay ay may mas-matagal na “time perspective.” (Mainam na basahin mo ang BrianTracy.com Article na ito)

Ano nga ba iyon? Simple lang: Ang mga nagtatagumpay sa buhay ay nag-iisip tungkol sa kanilang kinabukasan. Pinag-iisipan nila ang kapalaran nila sa bawat desisyon at planong ginagawa nila, habang ang mga hindi successful ay nag-iisip lang tungkol sa panandaliang katuwaan at nakakalimutan nila ang mga negatibong epekto ng kanilang mga ginagawa.
[Read more…]

  • « Previous Page
  • 1
  • …
  • 41
  • 42
  • 43
  • 44
  • 45
  • …
  • 47
  • Next Page »

Sign-up for Freebies!

Enter your email and click to get Freebies and Updates!

Privacy Policy

Want to learn more? Read these!

Book 1
Book 2
Book 3
Book 4
Book 5
previous arrow
next arrow

Search this Website

PropellerAds
Privacy Policy

Affiliate Policy

Copyright © 2025 · Magazine Pro Theme on Genesis Framework · WordPress · Log in