English Version (Click Here)
*Ang article na ito ay naglalaman ng affiliate links.
Noong October 24, 2017, inilunsad ng First Metro Investment Corporation at MSCI, Inc. ang isang bagong customized stock index na tinatawag nilang First Metro Index on MSCI Philippines IMI.
Ang First Metro Investment Corporation ay bahagi ng Metrobank group at ito ay isa sa pinakamalaking investment banks sa Pilipinas. Ito’y nakatanggap ng ilang awards katulad ng Best Investment Bank of 2016 mula sa Global Finance magazine at Euromoney, ilang Best Bond House awards mula sa FinanceAsia, at marami pang iba. Gamit ang kanilang subsidiary na First Metro Asset Management, Inc. (FAMI), nakipagpartner ang First Metro sa MSCI, Inc. na isang kilalang index provider na mayroong higit $11 Trillion ng assets na nakabenchmark sa kanilang indexes ayon sa datos noong 2016.
Ngayon, bakit iyon mahalaga? Paano mo magagamit ang index na iyon para pagbutihin ang iyong investing strategy at investment portfolio? Unahin muna nating pag-aralan ang mga indexes, mutual funds, at passive investing.
Huwag magsugal…
*Paalala: Inedit ko ang bahaging ito at inilipat ko sa isang nakaraang article tungkol sa mutual funds.
Ang mutual fund ay isang investment kung saan pinagtitipon tipon ng maraming tao ang pera nila para mag-invest sa mga assets tulad ng stocks, bonds, money market instruments, at iba pa. Ito’y pinangangalagaan ng mga propesyonal na tinatawag na fund managers o money managers na iniinvest ang pera upang kumita. Kung hindi ka marunong pumili ng mabubuting stocks, mag-invest ka sa isang fund (o ETF na halos kapareho ang ginagawa) at hayaan mong mga propesyonal na ang gumawa nito para sa iyo.
Di tulad ng karamihan sa mga mutual fund, ang mga index funds naman ay gumagamit ng mas-“passive” na uri ng investing. Kaysa palaging bumili o magbenta para sumubok kumita sa mga paggalaw ng stocks, ang mga index funds naman ay kinokopya lamang ang market at hindi sila nagtratrade madalas. Malamang hindi mo ito mahahanap sa mga “big winners” na itinataguyo kada taon, pero kailangan mong alalahanin ito: “Index funds outperform approximately 80 percent of all actively managed funds over long periods of time” (The BogleHead’s Guide to Investing). Ang mga index funds ay mas magaling sa halos 80% ng lahat ng mga actively managed funds sa pagdaan ng panahon.
Paano naman ang mga tinatawag nilang “best funds”?
Madalas mong makikitang nagaadvertise ang mga actively managed funds na sila daw ang “best”. Alalahanin mo lang ito: “Past performance does not guarantee future returns.” Ang dating nagawa ay hindi basehan ng kikitain sa pagdaan ng panahon. Hindi dahil mabuti ang nagawa ng isang fund, ibig sabihin palaging magiging mabuti ang kikitain niya habang buhay (o kahit sa madaling panahon). Ang pinakamagaling na fund sa taong ito ay pwedeng maging pinakanaluging fund sa susunod. Maraming financial professionals ang sumusubok hulaan ang galaw ng market upang bumili o magbenta ng mga mananalong stocks at iba pang assets, pero ang katotohanan ay marami sa kanila ang NATATALO. Kahit ang mga pinakamagagaling na money managers ay nagkakamali din, at pwedeng madalas silang magkamali.
Halimbawa, ipinahayag ni Mark Hulbert (editor ng Hulbert Financial Digest) na ang mga top funds na nakatanggap ng five-star ratings ng Morningstar ay hindi natalo ang market (1993-2000). Ang Wilshire 5000 (market index) ay kumita ng 222% noong 1993 hanggang 2000, pero ang mga “top funds”, mga nakakuha ng five-star ratings, ay kumita ng 106% lang. Kung sa kanila ka nag-invest, malamang halos kalahati lang ang kinita mo kumpara sa kung nag-invest ka sa isang index fund na ginaya ang galaw ng Wilshire 5000.
Isa pang halimbawa? Pinag-aralan nina Christopher Blake, isang associate professor of finance (Fordham University Graduate School of Business) at Matthew Morey, isa pang associate professor), ang mga top funds ng Morningstar noong Jan. 1 hanggang Dec. 31, 1997 at nagpublish sila ng study. Ano ang nakita nila? Ang mas-kaunti ng 4% ang performance ng mga five-star funds kumpara sa market. Ano pa ang nahanap nila? Halos walang pagkakaiba ang performance ng five-star funds kumpara sa mga four at three-star.
We’re paying people to beat the market when they aren’t doing it, and when you think about it, that doesn’t make sense.
— John Bogle
Binabayaran natin ang ilang tao para talunin ang market kahit hindi nila ito nagagawa, at kapag pinag-isipan mo ito, hindi ito tama.
Bukod sa mahinang performance ng mga actively managed funds kumpara sa mga index funds sa matagal na panahon, ang isang pinakamalaking advantages ng passive investing ay ang mababang costs o gastusin. Isipin mo ang dalawang magkaparehong negosyo na may magkaparehong kita, pero ang isa ay mas-mababang operating costs (paggastos sa negosyo). Ang isang may mas-mababang bayarin ay mananalo, lalo na sa pangmatagalan.
Gamitin natin iyon sa investing. Halimbawa, isipin mo ang market ay kumikita ng halos 6.5% kada taon at ikaw ay nag-iinvest ng P12,000 taon taon. Ang fund na may 1.5% cost (ang kita mo ay 5% kada taon) ay makakapagbigay sa iyo ng P1.45 million pagdaan ng 40 years. Ang mas-murang fund na 0.5% lang ang cost (ang kita mo naman ay 6%)? Magkakaroon ka ng P1.86 million. May extra kang P410,000 dahil nakatipid ka ng 1%.
*Ang market o investment na kumikita ng 6.5% kada taon ay halimbawa lamang.
Ano ang aral na mapupulot natin doon? Kaysa gumastos ng malaki sa mga management at trading fees para subukang talunin ang market at MABIGO dito, mabuti pang sundan na lang ang kita mula sa market at makatipid ng mas malaking bahagi nito gamit ang murang passive investing strategy.
By periodically investing in an index fund, for example, the know-nothing investor can actually outperform most investment professionals. Paradoxically, when ‘dumb’ money acknowledges its limitations, it ceases to be dumb.
— Warren Buffett
Sa madalas na pag-invest sa isang index fund, ang investor na walang alam ay pwedeng tumalo sa karamihan sa mga investment professionals. Parang isang kabalintunaan ito na kapang tinanggap ng “mangmang” ang kanyang limitasyon, hindi na siya magiging mangmang.
Ang launch ng First Metro Index on MSCI Philippines IMI
Ngayong natutunan na natin ang ilang advantages ng passive investing, balikan natin ang First Metro Index on MSCI Philippines IMI na nailaunch noong October 24, 2017 ng FAMI at MSCI, Inc.
Di tulad ng mga equity index na sinusundan ang buong market, ang index na ito ay customized para sundan ang family consumption o pagbili ng bansa. Ito’y naglalaman ng 18 highly liquid at tradable companies na malaki ang pagkasangkot sa consumer sector (hindi ito limitado sa mga kumpanyang tinatawag na “consumer” companies ng GICS).
Bakit gumawa ng index ng consumer companies?
- Ang economic growth ng Pilipinas ay nagmumula sa consumer sector.
- Ang papalaking middle class population.
- Ang paparating na income tax reduction para sa middle class. Ang mas-malaking take-home pay ay magdudulot ng mas-maraming consumer spending.
Ang mga bagay na iyon (at iba pa) ay malamang magpapalaki ng consumer spending at magpapataas ng halaga ng mga stocks ng kumpanyang kasama sa consumer sector. Kung gusto mong gamitin ang pagtubo na magmumula sa consumer sector, pwede mong gamitin ang mga stocks sa First Metro Index on MSCI Philippines IMI bilang isang guide at baguhin ang iyong portfolio kung nararapat.
Hindi pa tayo nagtatapos dito. Walang nakatakdang petsa pero sinabi ng FAMI president Augusto Cosio na baka gumawa sila ng fund na gagayahin ang index na iyon. Kung gusto mong mag-invest sa isang index fund na sumasakay sa consumer sector growth ng Pilipinas, baka gugustuhin mong sundan iyon. Sabi ko nga, ang isang pinakamalaking advantage ng index funds ay ang mababa nilang costs. Ang pagsubok gayahin ang isang index gamit pagbili ng pai-saisang stocks ay malamang napakamahal dahil sa transaction fees ng broker kayaa kapag gusto mo ng diversified na investment, mabuting pumili ka ng index fund.
Isang preview ng lamang ng bagong consumer-themed index.
Sa ngayon, gusto mo bang pag-aralan pa ang personal finance at investing? Tignan mo lang ang mga librong inirerekomenda namin sa ibaba!
[…] bahaging ito ay dating kasama sa “The First Metro Index on MSCI Philippines IMI Launch” na article. Dahil napakahalaga ng aral na matututunan mo sa bahaging ito, kinopya ko rito […]