English Version (Click Here)
Ilang taon na ang nakararaan, may natuklasang real estate investment ang aking ina. May isang luxury resort na tumatanggap ng mga investors, at sa halagang P200,000, makakabili ka ng isang kwarto sa resort na pwede mong paupahan at pagkakitaan. Sa palagay ko, maayos naman ang investment na iyon. Medyo mapanganib kasi hindi namin alam kung magiging popular ba ang resort na iyon at baka rin hindi ganoon kaganda ang lokasyon.
May pagdududa din ako lalo na noong hindi nila agad ibinigay ang mga terms at conditions ng kontrata at nagbigay lang sila ng brochure, pero may pera naman ang pamilya namin para doon. Matapos ibinigay ng magulang ko ang unang deposit, kinulit muna niya ang kumpanya tungkol sa mga terms bago ito sinabi ng representative nila. Makakakuha nga daw kami ng room na pwede naming gamitin at paupahan… sa isang linggo kada dalawang taon. Kailangan rin naming magbayad ng maintenance fees buwan buwan.
Hindi iyon investment. Isa lang pala iyong modus o scam! Sobrang iba iyon sa unang sinabi na magkakaroon kami ng room sa resort na pwede naming paupahan. Lantarang false advertising o pagsisinungaling ang ginawa nila. Hindi man mabawi ng aking ina ang P18,000 na deposit, buti na lang din nakalabas kami sa scam bago lumala pa ang sitwasyon.
Isa lamang iyong halimbawa ng mga posibleng modus, pero ano nga ba ang ibig sabihin ng “too good to be true”? Pag-usapan natin susunod ang mga pinakapopular na modus sa bansa.
Ano ang Too Good to be True (at Paano Iwasan ang mga Scam o Modus)
“Meet tayo for coffee!”
Sa Pilipinas, ayaw na ayaw marinig ng mga tao ang mga salitang “open minded ka ba?” o kapag sila’y iniimbita ng kaibigan o kamag anak na hindi nila nakakausap nang matagal na panahon para “magkape”. Madalas, ito’y mga senyales na iimbitahin sila sa isang network marketing business o isang scam (o gusto lang nilang mangutang. Nakakairita pa rin).
Napakaraming multilevel marketing (MLM)/network marketing organizations, direct-selling businesses, at “pyramyding” sa bansa, at napakarami nito ang nangangako na kikita ka ng milyon milyon. Minsan totoo nga, pero hindi ito kasing dali ng sinasabi nila, at iyon din ay kung lehitimo nga ang negosyo nila at hindi ito modus o scam.
Bakit nga ba marami pa ring sumasali kahit halos lahat nalulugi? Simple. May isa silang pangako: isang “madaling” paraan para yumaman.
Alam nilang baka scam ito… pero sinusubukan pa rin nila dahil sila’y nagbabakasakali na sana totoo nga ito. Sana rin sa pagkakataong ito magtatagumpay sila. Sa kasamaang palad, karamihan sa kanila ay nabibigo pa rin.
Narito ang isang napakahalagang quote o kasabihan mula kay O.S. Marden:
Go slow. The gambling instinct, the effort to make a fortune quickly, a lot of money for a little investment, is the cause of more unhappiness, of the poverty condition in more homes, than anything else I know of.
— Orison Swett Marden, Prosperity: How to Attract It
(Dahan dahan ka lang. Ang kagustuhang magsugal, ang kumita ng yaman nang mabilisan, maraming pera mula sa maliit na investment, ay nagdulot ng mas maraming kalungkutan at kahirapan sa napakaraming pamilya.)
Paano ako nagsimulang matuto ng personal finance
Bago ko natutunan at pinag-aralan ang mundo ng pera at investing, inimbita akong sumali sa isang multilevel marketing company. Noong panahong iyon, wala pa akong alam kung ano ang mga iyon. Akala ko ito’y isang salesman job na may karagdagang “magrecruit ka ng ibang salesman” tactic, kaya akala ko madali lang itong gawin. Lumaki sa kahirapan ang pamilya ko, kaya iniisip ko noon malaki ang maitutulong ng pagbenta ng mga health products para kumita.
Siyempre, nabigo ako. Marami akong naiisip na “magbenta dito sa parlor/health store na ito”, pero nahihiya naman akong tawagan sila at magbenta. Sa huli, ang P14,000 “startup fee” na binayad ko ay walang naibalik na kita… sa kumpanyang iyon.
Buti na lang nalaman ko ang tungkol sa Rich Dad, Poor Dad ni Robert Kiyosaki doon. Natutunan ko kung gaano kahalaga ang hindi pag-asa sa sahod sa trabaho para umunlad sa buhay at kung bakit kailangan mong pag-aralan ang personal finance at investing. Pagkatapos ko ng kolehiyo, ininvest ko ang bahagi ng aking sahod hanggang sa ngayon ako ay medyo financially independednt na, at may mataas na rin naman akong net worth kumpara sa ibang kakilala ko.
Habang pagkakamali ang pagsali sa kumpanyang iyon, ang mga aral na natutunan ko ay napakahalaga. Kumita ako ng higit tatlumpung beses sa perang nawala sa akin. (Basahin mo ang aking “Mula Libro patungong Kayamanan” article dito!)
I’ve learned that when a man with money meets a man with experience, the man with experience ends up with the money and the man with the money ends up with experience.
— H. Jackson Brown Jr.
(Natutunan ko na kapag nakilala ng taong mapera ang taong may maraming karanasan, ang taong may maraming karanasan ang makakakuha ng pera at ang tao na may pera ay makakakuha ng karanasan.)
Siyempre hindi lang mga pyramid scheme at real estate investment scams ang kailangan mong iwasan. Napakaraming paraan ang mga tao o kumpanya na gamitin ang ating greed o katakawan para makuha ang ating pera (at iba pa). Ang mga nasa ibaba ay madalas hindi kasing sama ng ibang halimbawa ng mga modues, pero kailangan mo rin silang alamin:
- Low Interest Rates, No Money Down – Mukha silang maganda, pero basahin mo ang “fine print” o mga detalye sa kontrata. Minsan kung makalimutan mong magbayad isang beses at na-late ka, pwede silang maglagay ng napakalaking fees at napakataas na rates, at doon ka nila peperahan.
- Absolutely Free, Buy1-Take1 – Minsan ang mga retailers (tindahan) ay nagdadagdag ng mga libre o freebies para pagandahin ang isang hindi magandang bagay. Kung ito ay nasa groceries, tignan mong mabuti ang expiration dates.
- On Sale, Huge Discount – Minsan peke lang ang discount.
- Cheap “Brand name” Goods – Madalas hindi nagtatagal ang mga peke, at kung makakita ka man ng mamahaling “orig” sa mukhang maayos na tindahan, kailangan mo pa ring siguraduhin kung orig nga ba talaga ito.
- Lotteries – Napakababa ng chance na manalo ka. Pwede kang gumastos ng milyon milyon pagbili lang ng tickets buong buhay mo… at WALANG MAPANALUNAN. Huwag mong sayangin ang pera mo doon. I-invest mo na lang.
- Phishing scams – Nakatanggap ka ng kakaibang “official” email na nagsasabing nanalo ka ng lotto o kinakailangan ng bangko mo ng update at ang email ay nanghihingi ng bank details mo? Mag-ingat! Baka scam iyon para nakawin ang pera mo sa bangko!
- Investments na inirekomenda ng iyong mga kaibigan at pamilya – Huwag kang magpapapaniwala sa tsismis, at huwag ka ring maniniwala lang agad sa mga nababasa mo sa mga magazines, libro, at blogs (tulad din nito). Kailangan mong magkusa sa pag-alam ng mga itinuturo ng iba’t ibang eksperto. Tandaan, pera mo yan. Huwag mo itong isusugal sa tsismis.
Sabi ni Warren Buffett, “risk comes from not knowing what you’re doing.” Ang panganib ay nagmumula sa hindi mo pag-unawa sa ginagawa mo. Toto nga naman. Kapag hindi mo alam ang pinaglalagyan mo ng pera, malamang hindi mo mapapansin kung scam o modus ito o hindi. Kung may nakikita kang napakagandang deal o investment, mag-research ka muna! Suriin mong mabuti kung totoo nga ito (at hindi modus lang), at basahin mo ang kontrata. Kung may bagay na hindi kaaya-aya o may masama kang kutob tungkol dito, mag-ingat ka nang husto at alalahanin mo ang kasabihan: “If it seems too good to be true, it probably is.” (Kapag sobrang ganda nito na parang hindi ito makatotohanan, malamang hindi nga ito totoo.)
Dito na muna tayo magtatapos. Sana nagustuhan mong basahin ang article naming ito! Marami pa kaming isusulat para sa iyon!
Sa ngayon, pumunta ka muna sa Facebook page namin dito!
[…] Tagalog Version (Click Here) […]