*Ang article na ito ay naglalaman ng affiliate links.
English Version (Click Here)
“Pay yourself first” (Mag-ipon muna) o sa pagkatanggap mo ng iyong sweldo, ipunin mo ang 10% nito para mag-invest. Familiar ba ito? Para maging mayaman, iyon ang classic money management tip na nagmula kay George S. Clason, ang may akda ng “The Richest Man in Babylon.” Unang inilabas noong 1926, ang mga personal finance tips na matututunan natin mula sa librong ito ay napakahalaga para sa ating lahat.
*Note: Ang libro ay nasa public domain na at pwede mo itong mahanap ng libre sa internet!
- Ang Tagumpay ay nagsisimula sa pangarap. Sa unang kwento sa libro, pinag-usapan nina Bansir, ang tigagawa ng kalesa at ni Kobbi, ang musikero, na kahit palagi silang nagsisikap sa trabaho, hindi pa rin sila umaasenso… kaya nagpasya silang baguhin iyon. Kung komportable ka sa kung ano man ang mayroon ka, hindi mo mahahanap ang lakas para magsikap pa at kung hindi mo pagbubutihin ang sarili mo, pwersahan mong haharapin ang mga masasamang pagbabago.
- Ang ikauna at pinakamahalagang sikreto para maging mayaman: “Pay Yourself First (Mag-ipon muna).” Kung palagi kang nauubusan ng pera sa katapusan ng buwan at parang isang kahig, isang tuka ang buhay mo, ito ang paraan para umasenso. Sa pagkakuha mo ng iyong sweldo, mag-ipon ka muna bago mo ito gastusin. Magagamit mo lamang ang pera para magpayaman KUNG naipon mo muna ito!
- Ang pera ay napupunta sa mga Marunong at Karapat-dapat. “Bakit ang ilang tao lang ang nakakakuha ng lahat ng pera?” “Dahil marunong silang magsikap. Hindi mo masisisi ang isang tao sa kanyang pag-asenso dahil marunong siya. Hindi rin tama ang pagkuha mula sa nagsikap para ipamigay sa mas-mababa ang ginagawa.”
“One penny may seem to you a very insignificant thing, but it is the small seed from which fortunes spring.” (Ang isang barya ay mukhang hindi mahalaga, pero ito ang munting buto na pinagmumulan ng kayamanan.) – Orison Swett Marden
Ang Pitong Gamot laban sa Pitakang Walang Laman
- Unang gamot: Mag-ipon muna. Itago mo ang unang 10% ng iyong sweldo at huwag mong hahayaang humigit pa ang iyong paggastos sa natitirang 90%. Sundan mo itong payong ito at makikita mong lumago ang iyong kayamanan sa pagdaan ng panahon. May isang kasabihan tungkol dito na “pwede kang bumuo ng isang bundok mula sa pagkolekta ng alikabok.”
- Ikalawang gamot: Kontrolin mo ang iyong paggastos. Iba-iba ang sweldong natatanggap ng mga tao pero palaging walang laman ang kanilang mga pitaka sa katapusan ng buwan. Bakit? Dahil madali nating nauubos ang ating pera sa maliliit na bagay. Isang extrang baso ng kape o extrang ulam, bagong damit na hindi mo kailangan, at napakarami pang ibang gastusin ang unti-unting kumakain sa kinikita mo. Iyon ang tinatawag ni David Bach, ang may akda ng “The Automatic Millionaire”, na “the latte factor.” Para kontrolin ang iyong paggastos, kailangan mong ibudget ang iyong mga gastusin hanggang madisiplina mo ang iyong sarili at makasanayan mo na ito.
- Ikatlong gamot: Paramihin mo ang iyong Pera. Sabi ni Robert Allen, ang may-akda ng “Multiple Streams of Income: How to Generate a Lifetime of Unlimited Wealth!”, ang mga palaging naghihirap nakikita nila ang pera bilang isang bagay na dapat gastusin sa oras na natanggap nila nito. Ang mga yumayaman, nakikita nila ang pera bilang mga buto na nagiging mga “puno” na namumunga pa ng pera kapag naitanim ng maayos. Pwede mong paramihin ang perang natatanggap mo kapag natutunan mong mag-invest sa mga assets kagaya ng mabubuting negosyo, stocks, real estate, at napakarami pang iba!
- Ikaapat na Gamot: Bantayan mo ang iyong sarili mula sa Pagkawala. Ang mga lindol at magnanakaw ay madaling nakasisira ng ating kayamanan. Mas-madalas pa doon ang pagkasirang naidudulot ng ating maling mga desisyon. Pag-aralan mong mabuti ang finance at investing at maiiwasan mo ang mga pahamak na nakasira na ng ilang-libong mga estado.
- Ikalimang gamot: Magmay-ari ka ng sarili mong bahay at lupa. “Home is where the heart is” sabi nga nila. Kaysa umupa ka ng bahay ng iba at magpayaman ng landlord, mas-mabuti na kumuha ka ng housing loan para makabili ka ng sarili mong bahay at bayaran mo na lang ito ng paunti-unti sa pagdaan ng panahon. Gagastos ka rin naman, kaya bakit hindi ka na lang bumili ng isang asset mula dito?
- Ikaanim na gamot: Kumuha ka ng pagkakakitaan para sa iyong kinabukasan. Lahat tayo’y tatanda at manghihina at balang-araw ay mamamatay. Ang sweldo mong pinaghihirapan ngayon ay pwedeng mawala na lang kapag hindi mo na kayang magtrabaho. Magsimula ka nang magplano para sa panahong ikaw ay magreretiro (at pagplanuhan mo na din ang ipapamana mo sa iyong mga anak at apo!).
- Ikapitong gamot: Pagbutihin mo ang kakayahan mong Kumita. Bago ang tagumpay, kailangan ang kagustuhan. Kahit pwede mong punuin ang isang lawa gamit ang mga patak mula sa gripo, mas-madali mong magagawa ito kapag kontrolado mo ang isang ilog. Kaparehas nito ang pera: Alamin mo kung paano magsikap palayo sa trabahong nagbibigay ng sahod na parang pagtulo ng gripo para makapasok sa negosyo o career na nagbibigay ng kitang katumbas ang Niagara falls. Kapag gusto, may paraan, at mahahanap mo ito kapag NATUTUNAN mo kung PAANO.
“Kapag mas-marami tayong karunungang nalalaman, mas-mataas ang pwede nating kitain. Ang taong gustong matutunan pa ang trabaho niya ay pagpapalaing mabuti. Kung siya ay manggagawa, pwede niyang pag-aralan ang mga kakayahan at kagamitan ng pinakamagagaling sa kaniyang trabaho. Kung siya ay abugado o manggagamot, pwede siyang makipag-ugnayan sa ibang mga katulad niya. Kung siya ay nagnenegosyo, pwede siyang maghanap ng mas-magandang bagay na pwedeng ibenta na nabibili ng mas-mura.
Palaging nagbabago at gumaganda ang mundong ginagalawan natin dahil sa mga taong nagpapabuti sa kakayahan nilang makapaglingkod sa iba. Dahil doon, inaaya ko ang lahat na manguna sa kaunlaran at huwag makuntento at manatili sa kinatatayuan kung ayaw nilang maiwan.” (Isinaling excerpt mula sa “The Richest Man in Babylon.”)
- Ang swerte ay hindi nangyayari lang; ito’y PINAGSISIKAPANG mangyari. Hindi ka magiging magaling na athlete kung hindi ka nagsanay at nakipagpaligsahan, pero pwede kang “swertehin” kapag ikaw ay nagsanay hanggang ikaw ay maging isa sa pinakamagaling sa bansa. Kagaya noon, hindi ka susuwertehing maging milyonaryo kung hindi ka nagsikap mapromote, nag-ipon at nag-invest sa mahabang panahon, o nagsimula ng sariling negosyo. Ang mga nagsisikap lamang ang madalas “sinusuwerte.”
Ang Limang Batas ng Ginto
- Ang Karunungan o Kaalaman ay mas-mahalaga sa Pera. “Kung walang karunungan, ang pera’y nawawala mula sa mayroon nito, pero kung may karunungan, ang pera ay makakamit ng wala pa nito.” Naaalala mo ang unang idea nina Bansir at Kobbi noong nagsimula silang maghanap ng paraan para yumaman? Napakabuti ng naisip nila. Naisip lamang nilang magtanong sa kanilang mayaman na kaibigang si Arkad (ang pinakamayaman sa Babylon) kung paano maghawak ng pera at pwede rin nating gawin iyon. Kung gusto nating umasenso, pwede nating pag-aralan ang ginawa ng mga nagtagumpay! Mahahanap natin ang mga payo nila sa mga bookstores at sa internet. Ang kailangan lang nating gawin ay maghanap, mag-aral, at magsikap!
- Unang Batas: “Ang pera ay madaling mapunta sa mga nag-iipon ng 10% ng kanilang kinikita upang makabuo ng estado para sa kanilang kinabukasan at pamilya.” Napakahalaga nitong payong ito na inulit ito ng tatlong beses sa libro: MAG-IPON KA!
- Ikalawang Batas: “Ang pera ay nagtratrabahong mabuti at kontento para sa matalinong among gumagamit dito ng mabuti at ito’y dumadami gaya ng mga halaman at hayop sa sakahan.” Isang bahagi ng mabuting paggamit ng pera ay ang pag-invest nito sa mabubuting assets na nagbibigay ng pera at ang paggamit ng perang ito para bumili pa ng assets na nagbibigay pa ng mas-maraming pera.
- Ikatlong Batas: “Ang pera’y kumakapit sa proteksyon ng maingat na among nagiinvest nito ayon sa payo ng mga magaling maghawak ng pera.” Napakaraming tao ang natutong maghawak mabuti ng pera. Pag-aralan mo ang payo nila, ang kanilang mga libro at kasulatan, para makamit mo ang kaparehong kakayahan nila.
- Ikaapat na Batas: “Ang pera’y lumalayas mula sa mga nag-iinvest nito sa mga negosyo o mga bagay na hindi nila naiintindihan, at sa mga bagay na hindi pinapahintulutan ng mga taong gumagamit nito nang mabuti.” Gaya ng sabi ni Warren Buffet, ang peligro ay nagmumula sa hindi pag-alam ng mabuti sa iyong ginagawa. Kahit kailangan mong magbayad para sa iyong edukasyon, ito’y mas-sulit pa kaysa sa kamangmangan.
- Ikalimang Batas: “Ang pera ay nilalayasan ang mga sumusubok gamitin ito para kumuha ng imposibleng kita, sa mga sumusunod sa payo ng mga manloloko at mandaraya, at sa mga nagtitiwala sa sariling kamangmangan at emosyonal na kagustuhan sa pag-invest.” Mag-ingat sa mga manloloko! Aakitin ka nila ng napakalaking kita at safety at huhulihin ka nila gamit ang iyong katakawan. Ang pinakamabuting paraan para iwasan sila ay ang pagiging edukado sa ginagawa mo. Kapag masyadong mabuti para maging totoo, malamang hindi nga (“if it’s too good to be true, it probably is”).
- Ingatang mabuti ang iyong pera. Ang perang hiniram para sa mabuting dahilan gaya ng matalinong pinagplanuhang negosyo ay nagbibigay ng mabuting bunga, pero ang perang hiniram para sa hindi magandang dahilan gaya ng para sa aliw o kalibangan at perang hiniram ng hindi marunong maghawak nito ay nagbibigay lamang ng trahedya.
- Protektahan mong mabuti ang iyong sarili. Kahit ang mayamang siyudad ng Babylon ay nagtayo ng malalaking pader at mayroon din silang malalakas na tigabantay laban sa mga manlulupig na gustong angkinin at nakawin ang kayamanan nito. Ang pag-iingat laban sa mga magnanakaw sa kalsada at seguridad laban sa mga akyat-bahay na gustong pasukin at nakawan ang iyong bahay ay palaging kinakailangan.
- Huwag mong hayaang maging alipin ka ng masamang nakasanayan mo tungkol sa pera. Sabi nga sa Proverbs 22:7, gaya ng pamumuno ng mga mayayaman sa mga mahihirap, ang nangutang ay alipin ng nagpautang. Kung nasanay kang mag-aksaya ng sweldo at manghiram sa mga kaibigan ng hindi nagbabayad, ikaw ay magiging alipin lamang ng pera. Pag-aralan mo ang mas-mabuting paghawak nito at hayaan mo itong maging kagamitan mo, at hindi ikaw ang nagpapagamit sa pera.
- Bayaran agad ang utang. Ilista mo ang lahat ng inutangan mo (kasama na ang mga bills sa bangko) at kung magkano ang kailangan mong bayaran. Sa kada sweldo, mag-ipon ka pa para unti-unting bayaran silang lahat. Kapag ipinagpatuloy mo ito, sa pagdaan ng panahon ikaw ay makakalaya na.
- Hanapin mo ang kasiyahan at diwa ng pagsisikap. Ang tagumpay at mabuting buhay at hindi lumilitaw sa wala. Ang mga ito’y kailangang pagsikapan.
Ayan ang 22 na pinakamahalagang money management tips para maging mayaman mula sa “The Richest Man in Babylon” ni George S. Clason! Inuulit ko na ang libro ay nasa public domain na kaya mahahanap mo ito sa internet. Kung gusto mo ang Amazon Kindle version, pwede mo itong mabili mula sa amazon link na ito!
Note: Nakahanap ako ng Tagalog version ng libro mula sa FQmom.com. Ito ang link tungkol sa blog post niya at ang link para bilihin ang libro. Hindi ako affiliate o business partner niya, pero dahil nakabubuti ang laman ng libro, mabuti nang malaman mo ang tungkol dito.