post

Ibang paraan para Kumita: Negosyo Ideas at ibang paraan para Kumita ng Pera

*Ang article na ito ay naglalaman ng affiliate links.

English Version (Click Here)

Minsan, ang simpleng pag-iisip ng mga posibilidad ay nakakapagpakita ng mga oportunidad na hindi mo lang nakita. Nawalan ka na ba ng gana sa buhay? Gusto mo pa bang kumita pa ng pera para mabayaran ang mga bayarin/bills, utang, at iba pang gastusin? Gusto mo bang gumawa ng ibang bagay para kumita bukod sa 9-5 rush o karaniwang trabaho, kahit sa weekend lamang? Subukan mong mag-isip ng mga ideas para sa negosyo at iba pang paraan para kumita ng pera. Siguradong makakahanap ka ng oportunidad para kumita ng pera kapag naghanap ka ng mga posibilidad, kaya bakit hindi ka magsimula dito para makahanap ng inspirasyon?

*Take note: Ang mga idea dito ay naisip ko lang sa isang umaga ngayong Lunes. Isipin mo na lang ang mga maiisip mo kapag ikaw ay nag-isip pa mag-isa o kapag kasama ang mga kaibigan at may mas-marami kang oras.

Ibang paraan para Kumita: Negosyo Ideas at ibang paraan para Kumita ng Pera - Your Wealthy Mind

Negosyo Ideas at ibang paraan para Kumita ng Pera

1. Cooking/Magluto? Magbenta ka ng tinapay o street food

Para maging kakaiba, magbenta ka ng pagkain mula sa ibang bansa (maghanap ka lang sa internet para sa mga recipes):

Philippines: Kakanin, Pastillas, Leche Flan, atbp.

Japan: Mochi, Coffee Jelly, Sata Andagi, atbp.

India: Gulab Jamun, Sohan Halwa, Misti Doi, atbp.

(Subukan mo ang iba pang bansa na may kakaibang pagkan, o maglikha ka ng bago at nakaktuwang kombinasyon)

Subukan mong gumawa ng food stand: Hotdogs, Burgers, Dimsum, Gyoza, Rice Meals/Risotto, Kebabs, Falafel, Shawarma, Takoyaki, Okonomiyaki, atbp.

Subukan mong magbenta ng drinks: Coconut Water, Juice, Lemonade, Orange Juice, Fresh Fruit or Vegetable Juice, atbp. (Baka mabebenta mo ito sa mga parks sa mga nagjojogging at sa iba pang mahilig sa fitness, pero huwag mong limitahan ang sarili mo sa mga iyon!)

2. Photography? Magbenta ng stock photos online (hal. Maging Shutterstock contributor).

3. Drawing and Painting? Magdrawing at magpainting para kumita ng commissions (gaya ng sa Drawcrowd.com, ito ang page ng kaibigan ko bilang halimbawa) o magbenta ka ng gawa mo sa mga art fair. Kung magaling kang gumawa ng comics/manga, subukan mong magbenta sa mga conventions.

4. Arts and Crafts? Kung magaling kang gumawa ng mga bagay gaya ng alahas, paso, pagtatahi, atbp., pwede kang magbenta sa mga website gaya ng Etsy, Ebay, Amazon, atbp. Pwede mo rin silang ibenta sa mga kaibigan mo sa Facebook, Twitter, o Pinterest, magbenta ka rin sa bakuran mo, o magbukas ka ng maliit na tindahan.

5. Gardening? Subukan mong magtanim ng gulay at ibenta ang mga ito. Ang isang orchard din at napakabuti kahit ilang taon ang kailangan para tumubo ang mga puno (may maliit na orchard ang lolo’t lola ko at nakakakuha sila ng ilang crates na puno ng prutas kada ilang buwan).

6. Writing? Magsulat ng libro at eBooks, magsulat para sa magazines at newspapers, o magsulat para sa blogs at businesses bilang isang freelance writer.

7. Blogging? Magsimula ka ng blog at kumita ng pera gamit AdSense (ito ang article ko sa kung paano naapprove ang aking Google AdSense account). Pwede ka ring magbenta ng sarili mong produkto, gumawa ng eBooks at video seminars, o magbenta ng produkto ng iba gamit affiliate sales. Ito nga pala ang ilang halimbawa nito (galing Amazon):
  

8. Freelance at online work? Transcribe audio, magturo sa mga international students ng English (o ibang language/wika), etc. Maraming websites para dito gaya ng UpworkFreelancer (maghanap ka lang sa internet ng ideas). Subukan mo ring sumali sa mga survey websites (para sa akin, GlobalTestMarket ay gumagana).

9. Direct Selling? Makeup, Health Supplements, Electronics, Life Insurance, Gear at Gadgets, sabihin mo lang at malamang makakahanap ka ng sales company nito at magbenta ng may komisyon.

10. Martial Arts o Yoga? Meditation Arts (Chi Gong, Nei Gong, atbp.)? Fitness? Subukan mong maging certified bilang trainer at magsimula ka ng sarili mong class o sumali ka sa gym bilang instructor.

11. Expert ka ba sa isang field o topic (business, executive leadership, architecture, atbp.)? Subukan mong maging instructor, teacher, o consultant.

12. Home repair? Carpentry? Paggawa ng kotse? Pag-alaga ng bata? Paglinis ng bahay? Pagputol ng damo? Pagpintura ng bahay? Baka pwede mong ioffer ang services mo sa mga kapitbahay.

blacksmith hammer pliers

13. Kaya mo bang gumawa ng magagandang videos? Social commentary, pagluluto, pagkanta, nakakatuwang bagay, skill tutorials (Parkour, etc.), music covers, etc.? Kumita ka gamit Youtube! Yung kaibigan ko ding si Elie ay madalas magstream ng artwork sa Twitch (tignan mo channel niya dito!).

14. Stock Trading? Forex Trading? Mag-ipon ka ng pera bilang capital, pag-aralan ang technicals at fundamentals, maghanap ng mabuting broker at magsimula kang magtrade!

15. Real estate? Bumili ka ng lupa at magtayo ka ng condominium o iba pang uri ng rental property.

Subukan mo ang iba pang paraan para kumita ng pera depende sa iyong lokasyon (Ang mga halimbawang ito ay mabuting posibilidad sa Pilipinas at sa ibang bahagi ng Asia):

Internet Cafe

Prepaid Load seller

Payment Centers (“Bayad Centers” sa Philippines)

Ang iba dito ay madali, ang iba mahirap, ang ilan magagawa mo ngayon, ang iba naman kakailanganin mo ng oras, preparasyon, at training. Ano man ang mangyari, walang hanggan ang posibilidad na pwede mong gawin kaya huwag mong limitahan ang iyon sarili sa pag-iisip na hindi mo sila kaya. Kapag gusto, may paraan. Kailangan mo lang itong hanapin.

office hard work writing pencil pens laptops

Ngayon mag-isip ka na:
Ano ang pwede mong gawin para kumita ng pera?
Higit pa doon: Ano ang KAILANGAN ng ibang tao na pwede mong gawin (ng may bayad)?

 

Kumuha ka ng malaking papel at magsimula ka nang magsulat. Ilista mo ang lahat ng idea na naiisip mo, kahit gaano pa man ito kakaiba (oo, pwede ang part time party clown, skydiving instructor, tour guide, o kahit ano pa). Nagsasarado ka ng oportunidad kapag inisip mo na hindi mo ito kaya, pero makakahanap ka ng oportunidad kapag PINAG-ARALAN mo kung paano ito gagawin. Malay mo, baka mahanap mo ang bagay na gugustuhin mong gawin habang buhay, isang negosyo na pwede kang maging dalubhasa at palakihin para kumita ng mas-malaki pa sa kung ano man ang kinikita mo ngayon, dahil lang gusto mong maghanap ng oportunidad para kumita pa ng pera.

Kapag nakahanap ka ng bagay o negosyo na gusto mo talagang subukan, ang susunod na hakbang ay alamin mo ang susunod mong mga hakbang at simulan mo ang mga ito.

Siya nga pala… may nalalaman ka pa bang ibang paraan para kumita ng pera? Sabihin mo lang sa comments sa ibaba! 

Powered by Facebook Comments free add-on for most feature packed social sharing plugin for WordPress Easy Social Share Buttons

About Ray

Ray is the head writer behind YourWealthyMind.com and is a proponent of improving the world using excellent ideas and self-education. He believes that anyone can achieve their goals once they learn how, and he considers it his mission to enrich lives and end poverty by teaching people the lessons they need to succeed.

Leave a Reply

Want to Receive Future Freebies and Updates?

For FREE Self-Improvement, Personal Finance, and Success Articles (and other great stuff), just enter your email below!

Your info is safe with us!
Click here to connect!