*Ang article na ito ay naglalaman ng affiliate links.
English Version (Click Here)
Gagawa muna ako ng disclaimer. Ang article na ito ay opinion ko lamang na nakabase sa lahat ng mga personal finance at investing books na nabasa ko. Hindi ako financial planner at hindi rin ako investment professional kaya huwag mong basta basta susundin ang mga payo ko dito. Malamang magkapareho lang tayo, kaso nag-aral ako ng ilang mabuting investing books. Ngayon, kung ikaw din naman ay nakabasa at nagresearch sa mga magagandang libro, edi mabuti. Malamang hindi mo ganoong kailangan ang impormasyon dito. Kung wala ka pang nababasa, maayos na ring basahin mo ang article na ito para sa kaunti kang basic na impormasyong makukuha. Kakailanganin mo pa ring gumawa ng sarili mong research para mahanap ang investing style na magagamit mo.
Ano ang Magandang Investment Para sa mga Beginners?
Kapag sinabi kong beginner’s investment, ang ibig kong sabihin ay isang bagay na hindi kailangan ng napakaraming research, at ito’y isang bagay na halos lahat ng tao ay kayang pagpuhunan.
Bago tayo magsimula, ilista muna natin ang pinakapopular na investments: Stocks, bonds, mutual funds, real estate, gold at ibang precious metals, commodities, antiques, at marami pang iba. Ngayon, hindi ko paguusapan ang gold at precious metals, commodities, antiques, at iba pang katulad nila dahil hindi ko sila ginustong pag-aralan. Pinili kong magconcentrate sa unang apat na investments na nasabi ko kanina:
- Stocks. Ito’y tinatawag ring equities at sila’y simbolo ng maliit na hati sa pagmamay-ari mo sa isang kumpanya. Ito ang isa sa pinakamabuting investment… KUNG alam mo ang ginagawa mo. Kung nagsisimula ka pa lang at hindi mo pa napapag-aralan kung paano pumili ng mabubuting kumpanya at hindi mo kayang kalmahin ang sarili mo tuwing mataas ang volatility (pabago-bago ang presyo ng stocks), malamang hindi mabuti para sa iyo ang mag-invest sa individual stocks ng mga kumpanya.
- Bonds ay mga loans na pinapahiram mo sa mga gubyerno/kumpanya. Papahiramin mo sila ng pera, tapos babayaran ka nila ng may interes. Ito’y madalas na itinuturing “safe” na investment, pero ayon sa ibang mga authors/investors katulad nina Lowell Miller ng “The Single Best Investment: Creating Wealth with Dividend Growth” at Kenneth L. Fisher at Lara Hoffmans ng “The Ten Roads to Riches: The Ways the Wealthy Got There (And How You Can Too!)”, napakaliit lang ng returns o kita na makukuha mo sa mga bonds at dahil doon hindi sila magandang investment.
- Mutual funds ay isang uri ng investment kung saan ang maraming investors ay nag-iipon ng kanilang pera at gagamitin nila ang serbisyo ng isang professional investment manager para i-invest ang pera para sa kanila. Habang makukuha mo ang benepisyo ng diversification at professional management mula sa mutual funds, ang pinakamalaking disadvantage nito ay paiba-iba nitong returns. Ang mga money managers ay tao lang din at sila’y nakakagawa din ng mga maling desisyon. Ang isa pang disadvantage nito ay kumita ka man sa mga desisyon nila o malugi ka ng husto, babayaran mo pa rin sahod ang mga managers/mutual fund companies. Ang mga professional fees na iyon ay unti unting lumalaki at mas dumadami ang kinakaltas nito sa investment returns mo sa pagdaan ng panahon.
- Real estate ay pagmamay-ari lang ng lupa. Ito ay mabuting investment kung marunong kang maghanap ng magagandang properties at i-“flip” (buy and sell) ito, o marunong kang magtayo ng rental properties na pwede mong gamitin para kumita ng passive income (gaya ng ginawa nina Robert Kiyosaki). Ang dahilan kung bakit sa tingin ko’y hindi ito mabuting investment para sa mga baguhan ay dahil madalas kailangan mo ng MARAMING pera para dito. Kahit may paraan para mag-trade ng properties ng walang money down (may mga libro tungkol doon), madalas ang laki ng perang kakailanganin para mag-invest sa real estate ay makahahadlang sa napakaraming tao.
Ano nga ba ang magandang investment para sa mga beginners?
Sagot: Isang mutual fund… pero hindi ordinaryong mutual fund. Ang kailangan mo ay isang ispesipikong klase nito na tinatawag na “index fund.”
Ano iyon? Ito’y isang klase ng mutual fund kung saan ang pera ay nakainvest sa portfolio na sumusunod sa isang market index (basahin mo ang tungkol sa index funds dito sa investopedia article na ito). Ang downside ng index funds ay madalas hindi sila magpopost ng sobrang taas na returns katulad ng “winning” mutual funds o ilang stocks. Ang mabuti naman dito ay hindi rin sila makakakuha ng sobrang taas na PAGKALUGI, at ang mga market (na sinusundan ng mga index fund) ay madalas naglalabas ng mabuting positive returns sa pagdaan ng panahon. Bukod pa doon, ang index funds ay madalas low cost (computer-based algorithm lang kailangan nila, hindi kailangang tutukan ng isang “professional”) kaya mas-kaunti sa pera mo ang mawawala dahil sa management fees. Dahil doon, ang investment mo ay mas-mabilis lalaki. Kung gusto mo pang malaman kung bakit mas-magandang mag invest sa index funds, basahin mo lang ang “The Boglehead’s Guide to Investing”.
Yun lang ang rekomendasyon ko. Kailangan mo talagang gumawa ng sarili mong research at maghanap ng investment o investing method na gusto mo. Siguraduhin mo lang na pag-aaralan mong mabuti ang mga ito at mag-ingat ka sa mga posibleng scam.
Kung gusto mong matutunan pa ang pag-iinvest, basahin mo lang ang aming ibang articles dito:
- Pinakamalaking Pagkakamali na pwede mong gawin bago ka MagInvest
- Ano ang Stocks at Bakit mo kailangang Mag-Invest Dito?
- Sampung rason para Mag-Invest sa Stocks na nagbibigay ng Dibidendo
- Paano pumili ng Stocks: 10 Terms na kailangan mong matutunan
- Paano Mag Invest sa Stocks: Sampung Tuntuning Kailangan Matutunan
- Stock Investing Basics: 4 na Tuntunin ni Benjamin Graham sa kung Paano Mag-Invest sa Common Stock
[…] Ano ang Magandang Investment Para sa mga Beginners? […]