• Home
  • About us
  • Articles
    • Resource Page
    • Quotes
    • Success
    • Self-Improvement
    • Wealth and Finance
    • Leadership and Management
    • Tagalog Translations
  • Gallery
  • Contact Us

Your Wealthy Mind

Because Ideas Change Lives

  • Success
  • Wealth and Finance
  • Leadership and Management
  • Self-Improvement
  • Quotes
  • Tagalog Translations
Home » Tagalog » Page 42

Kung bakit hindi ka Papayamanin ng Gubyerno

April 20, 2016 by Ray L. 1 Comment

why the government won't make you rich yourwealthy mind your wealthy mind pixabay
English Version (Click Here)

Malapit nang maganap ang Philippine presidential elections at naaalala ko na may ibang nag-iisip na “kung hindi corrupt ang gubyerno mayaman na kami!” o “mahirap kami dahil hindi maayos ang gubyerno!” Sa mga ganitong panahon, ang ilang kandidato ay pinupuri bilang tigapagligtas na makakapagpabago sa bansa at malulutas nila agad ang mga problema ng sambayanan kapag sila’y naging presidente. Bilang side-effect nito, may ibang nagiisip na kapag nanalo ang kandidato nila at nagbago nga ang namumuno sa gubyerno, ang lahat din ng mga problema nila (pinansyal man o hindi) ay malulutas din.

Kahit totoo nga na ang korupsyon at iresponsabilidad sa gubyerno ay nakakasira ng kabuhayan ay kasaganaan ng sambayanan o nagpapahirap sa buhay, mali ang pag-iisip na kapag mas-mabuti na ang gubyerno ikaw ay biglaang aasenso mula trabahador at ika’y magiging bilyonaryo ng wala kang ginagawa. Magiging mas-mabuti nga ang kalagayan ng bansa (o magiging mas-masama), pero wala iyong ikabubuti sa kahit sino sa atin kapag wala tayong ginawa para sa ating sari-sariling kalagayan.

[Read more…]

Bakit hindi mo mapagsikapan ang gusto mong kitain

April 14, 2016 by Ray L. Leave a Comment

why you're not earning as much as you want your wealthy mind yourwealthymind pixabay
English Version (Click Here)

Marami sa atin ang pangarap magtagumpay: Kumita ng maraming pera, makapaglakbay sa mundo, makapagbigay ng napakabuting bahay at edukasyon para sa ating pamilya, tumulong sa mga mahihirap, kumain ng masasarap na pagkain, makapagpabago ng mundo, o makamit ang kung ano man ang ibig-sabihin ng “success” para sa atin. Ang problema nga lang naman ay kung paano natin aalamin ang kailangan nating gawin para makamit ito.

Malamang magaling ka sa iyong trabaho, mas magaling ka rin sa iba mong katrabaho, at malamang mas alam mo ang mga kailangang gawin kaysa sa iyong boss. Nagtratrabaho ka ng maigi para kumita ng pera, pero hindi mo pa rin kayang makamit ang lahat ng iyong pangarap. Sinubukan mo na nga na magsikap at magtrabaho pa para umasenso, pero hindi umangat ang sweldo mo. Ano pa ba ang kailangan? Bakit hindi ka pa rin umaasenso ng husto?

[Read more…]

Paano Lutasin ang kahit-anong Problema

April 4, 2016 by Ray L. Leave a Comment

how to solve almost any problem your wealthy mind yourwealthymind pixabay
English Version (Click Here)

Lahat tayo ay may haharaping suliranin at minsan may mga problemang lalabas na mukhang masyadong mahirap lutasin. Buti na lang maraming paraan para makaalis sa masamang sitwasyon at walang-hanggan ang mga paraan upang lagpasan ang kahit anong hadlang. Ang kailangan mo lang malaman ay ang paraan kung paano ito mahahanap.

 

Ano ang pinoproblema mo?

Masyadong stressful o nakakabagot ang iyong trabaho at gusto mong umalis… pero wala kang mahanap na mas-mabuting pagtratrabahuhan.

Pangarap mong magpayaman para tumira sa mas-magandang bahay, kumain ng masustansyang pagkain, at mag-aral ang mga anak mo sa mas-mabubuting paaralan… pero nanggaling ka sa mahirap na pamilya at hindi mo alam kung ano ang iyong gagawin.

Pangarap mong maglakbay, makatulong sa mahihirap, o sundan ang iba mo pang pangarap sa buhay… pero nakatali ka sa iyong mga napakaraming responsibilidad.

“Paano ako makakahanap ng mas-magandang trabaho? Paano ako yayaman? Paano ko masusundan ang aking pangarap?” Kung tinanong mo iyon kay Robert H. Schuller, isang pastor, motivational speaker, at may akda ng mga libro kagaya ng “Tough Times Never Last, but Tough People do!”, sasagutin ka niya ng kakaibang tanong:

[Read more…]

Bakit Hindi ka Dapat Magpahiram ng Pera

March 29, 2016 by Ray L. 1 Comment

why you should stop lending money yourwealthymind your wealthy mind pixabay
English Version (Click Here)

“Kaibigan! Pwedeng pahiram ng dalawang libo? ‘Promise’ babayaran kita next week!” Nahihirapan ka bang tumanggi? Hinahayaan mo ba silang abusuhin ka? Hinahayaan mo ba ang mga kakilala mo na manghiram pa ng pera sa iyo kahit alam mo na hindi sila nagbabayad ng utang? Noong kabataan ko, nakita kong naghirap ang aking ina dahil sa mga taong ganoon kaya noong napanood ko ang video ni Chinkee Tan, kinailangan kong magsulat tungkol dito. Huwag mong hayaang abusuhin ng iba ang iyong kagandahang loob.

[Read more…]

Limang Mahalagang Aral Tungkol sa Leadership na Kailangan mong Matutunan

March 22, 2016 by Ray L. Leave a Comment

five essential leadership lessons pixabay yourwealthymind your wealthy mind
English Version (Click Here)

Para sa ilan satin, minsan sa ating pagsisikap tayo ay tatawagin upang mamuno. Kahit sa pagtulong at pagturo sa mga baguhan, o pagsimula ng pinapangarap mong mutinational na organisasyon, eto ang ilang mahalagang aral tungkol sa leadership na kailangan mong matutunan para sa kapakanan ng iyong koponan.

[Read more…]

  • « Previous Page
  • 1
  • …
  • 40
  • 41
  • 42
  • 43
  • 44
  • …
  • 50
  • Next Page »

Want to learn more? Read these!

Book 1
Book 2
Book 3
Book 4
Book 5
previous arrow
next arrow

Search this Website

PropellerAds
Privacy Policy

Affiliate Policy

Copyright © 2025 · Magazine Pro Theme on Genesis Framework · WordPress · Log in