English Version (Click Here)
Ang isa sa pinakamabuti mong pwedeng gawin para makamit ang tagumpay ay ang magtakda ng long-term goals o layunin. Sayang lang na minsan, hindi tayo nagtatagumpay dito o hindi natutupad ang mga plano natin. Ano nga ba gagawin mo tungkol doon?
Sa pagbabalik-tanaw ko sa nakaraang ilang buwan, klaro na hindi ko natupad ang ilang mga layunin o goals ko sa mga itinakdang deadlines. Halimbawa, ang kita na planado ko ay hindi umabot sa gusto ko, ang librong dapat tinapos at naipublish ko noong November 2016 ay nangailangan pala ng ilang buwan pang trabaho, at may ilan din akong personal na pangarap na hindi ko natupad na hindi ko sasabihin dito.
Maswerte nga lang, may ilan din akong layuning natupad. Ang isang dati kong layunin ay maapprobahan ang aking AdSense account bago mag December 31, 2015… at naapprobahan nga ito sa gabi ng December 30, 2015. Isa pang maliit na layunin ko ay ang makakuha ng higit isandaang views kada araw… at natupad ko iyon ilang buwan bago ang deadline.
Gayunpaman, sa buhay natin malamang hindi natin makakamit ang ilang gusto natin sa panahong pangarap natin silang makuha. Anong gagawin mo kapag hindi mo natupad ang ilang layunin mo? Narito ang aking tatlong payo para sa iyo.
Tatlong Payo kapag Hindi mo Nakamit ang Iyong mga Layunin:
-
Gumawa ka ng Bagong Deadline
Hindi ibig sabihin na hindi mo siya natupad NGAYON ay hindi mo na siya matutupad sa kinabukasan. Ang paglagpas sa deadlines at inaabangang tagumpay ay madalas mangyayari sa mga bagong bagay na sinisumulan dahil madalas kulang tayo sa impormasyon at wala pa tayong benepisyong naibibigan ng karanasan o experience tungkol dito. Matapos ang iyong unang pagsubok, dapat may mas-malinaw ka nang pananaw tungkol sa ano ang dapat mong gawin at gaano karaming oras ang kakailanganin mo para makamit ang gusto mong magawa.
-
Suriin mo ang Iyong Layunin o Goals at ang Prosesong Ginamit mo
May dahilan kung bakit hindi mo nakamit ang layunin mo, at ikaw ang responsable para hanapin kung saan ka nagkamali. Ito ba’y dahil mali ang ilang nagawa mo tungkol dito? Kung ang gawain mo ay hindi gumagana, iba naman ang subukan mo. Ito ba’y dahil kailangan mo ng mas-maraming oras? Kung ganoon, ipagpatuloy mo ang mabuting gawain. Tandaan mo lang ang popular na kasabihan, “hindi ka makakagawa ng baby sa loob ng isang buwan sa pagbubuntis ng siyam na babae.”
Sa kabilang dako naman, posible rin na hindi na mahalaga ang layuning iyon. Nagbabago ang panahon, ang mundo, at mga tao. Baka may nahanap kang bago na mas-gugustuhin mong makamit, isang bagay na mas-deserving sa iyong oras at pagsisikap (hal. ang iyong “gusto ko ng bagong kotse” ay napalitan ng “gusto kong makapasok ang mga anak ko sa mas mabuting paaralan.”). Iyon naman ang isulat mo at gawin mo iyong bagong layunin.
-
Ipagpatuloy Mo
Ang maliit na sapa ay nakakahati ng mga bundok, at makakagawa ka ng bundok sa pagkolekta ng alikabok. Kaya mong malagpasan ang halos kahit anong hadlang at makakalikha ka ng halos kahit anong bagay kapag mayroon kang sapat na oras at pagsisikap. Ang tiyaga nga naman ay isa sa pinakamalakas na susi ng tagumpay. Ang isa pang bagay ay makukuha mo lang ang experience o karanasan at expertise o karunungan gamit pagaaral at pagpractice. Alalahanin mo na ang mga bagay na mabuting gawin ay mabuti ring gawin ng hindi maayos… sa simula. Sa patuloy mong paggawa nito, gagaling ka at tataas ang mga pagkakataon mong magtagumpay.
Uulitin ko lang ang sinabi ko na hindi porke’t hindi mo ito magawa noon, hindi mo na ito magagawa sa susunod mong pagsubok. Kapag ito’y mabuting gawain, kailangan mo itong ipagpatuloy. Pagpapasalamatan mo ang sarili mo dito kapag ikaw ay nagtagumpay balang araw.
[…] Masakit nga naman ang mga pagkakamali at pagkabigo (tulad ng naranasan ko sa grupo ko sa training climb), pero dapat alamin mo na nangyari na ang mga iyon at ang magagawa mo na lang ngayon ay tandaan ang mga aral na natutunan mo doon. Ginawa mo ang lahat ng iyong makakaya, kaya ang pwede mo na lang gawin ay magpatuloy kasama ang lahat ng mga natutunan mo. […]