English Version (Click Here)
*Ang article na ito ay naglalaman ng affiliate links.
Number one rule sa pag-invest: ALAMIN mo kung ano ang pinaglalagyan mo ng pera. Hindi mabuting ilagay sa panganib ang perang pinaghirapan mo kapag ilalagay mo ito sa hindi kilalang stock ng kumpanya o iba pang investment. Kahit ang mga magsasaka pinag-aaralan muna ang lupa, season, at panahon bago sila magtanim. Kailangan alamin mo muna kung ang isang asset o investment ay matatag o secure kaysa magpapaniwala ka sa kung sinu sino. Baka kasi mas wala silang alam kaysa sa iyo.
Tulad din ng sports na napakaraming istratehiya at tactics dahil sa dami ng mga coach at propesyonal, marami ring istratehiya sa pagpili ng mabubuting stocks at iba pang investments. Ang mga istratehiya na iyon ay pwedeng uriin sa dalawang klase, at iyon ay ang fundamental at technical analysis.
(Disclaimer: Napakaraming investing methods at istratehiya at matatagalan tayo ng husto kapag susuriin natin silang lahat dito. Dahil doon, sa article na ito pag-aaralan lang natin ang basic o pangunahing pagkakaiba ng fundamental at technical analysis.)