English Version (Click Here)
Marami sa atin ang pangarap magtagumpay: Kumita ng maraming pera, makapaglakbay sa mundo, makapagbigay ng napakabuting bahay at edukasyon para sa ating pamilya, tumulong sa mga mahihirap, kumain ng masasarap na pagkain, makapagpabago ng mundo, o makamit ang kung ano man ang ibig-sabihin ng “success” para sa atin. Ang problema nga lang naman ay kung paano natin aalamin ang kailangan nating gawin para makamit ito.
Malamang magaling ka sa iyong trabaho, mas magaling ka rin sa iba mong katrabaho, at malamang mas alam mo ang mga kailangang gawin kaysa sa iyong boss. Nagtratrabaho ka ng maigi para kumita ng pera, pero hindi mo pa rin kayang makamit ang lahat ng iyong pangarap. Sinubukan mo na nga na magsikap at magtrabaho pa para umasenso, pero hindi umangat ang sweldo mo. Ano pa ba ang kailangan? Bakit hindi ka pa rin umaasenso ng husto?