English Version (Click Here)
*Ang article na ito ay naglalaman ng affiliate links.
Number one rule sa pag-invest: ALAMIN mo kung ano ang pinaglalagyan mo ng pera. Hindi mabuting ilagay sa panganib ang perang pinaghirapan mo kapag ilalagay mo ito sa hindi kilalang stock ng kumpanya o iba pang investment. Kahit ang mga magsasaka pinag-aaralan muna ang lupa, season, at panahon bago sila magtanim. Kailangan alamin mo muna kung ang isang asset o investment ay matatag o secure kaysa magpapaniwala ka sa kung sinu sino. Baka kasi mas wala silang alam kaysa sa iyo.
Tulad din ng sports na napakaraming istratehiya at tactics dahil sa dami ng mga coach at propesyonal, marami ring istratehiya sa pagpili ng mabubuting stocks at iba pang investments. Ang mga istratehiya na iyon ay pwedeng uriin sa dalawang klase, at iyon ay ang fundamental at technical analysis.
(Disclaimer: Napakaraming investing methods at istratehiya at matatagalan tayo ng husto kapag susuriin natin silang lahat dito. Dahil doon, sa article na ito pag-aaralan lang natin ang basic o pangunahing pagkakaiba ng fundamental at technical analysis.)
Investing 101: Ano ang Fundamental at Technical Analysis?
Fundamental Analysis
Ang unang “style” ng pagsusuri sa mga investments ay fundamental analysis.
Kung sinusuri mo ang mga bagay tulad ng kung gaano kabuti ang trabaho ng kumpanya, kung gaano kaayos ang mga produkto nito sa market, gaano kabuti ang sales at kita ng kumpanya, ang pagtaas ng kanilang dibidendo, ang kanilang P/E ratio at iba pang stock indicators, gaano kagaling ang kanilang leadership at miyembro ng management, paano sila maaapektuhan ng future trends at teknolohiya, at iba pa, yun ang madalas tinatawag na fundamental analysis.
Sa method naito, tinitignan mo ang intrinsic value ng isang stock o asset at sinusubukan mong sagutin ang tanong na “mabuting investment ba ito o hindi?”
Kung gusto mong mag-invest para sa matagal na panahon, mainam na pag aralan mo nang husto ang fundamental analysis. Di tulad ng traders, hindi mo susubukang kumita mula sa short-term na pagbabago ng presyo. Naghahanap ka ng mabubuting investments na tumataas ang halaga kahit paibaiba ang presyo nito sa market sa kasalukuyan.
In the short run, the market is a voting machine but in the long run, it is a weighing machine.
— Benjamin Graham
*“Sa madaling panahon, botohan ang stock market, pero sa matagal na panahon, ito ay timbangan.”
Technical Analysis
Bukod sa fundamental analysis kung saan pinagaaralan mo kung gaano kahalaga ang isang kumpanya o ibang investment, sa technical analysis naman pinagaaralan mo ang paggalaw at patterns ng isang investment para hulaan ang paggalaw nito sa pagdaan ng panahon.
Ang technical analysis ay madalas ginagamit ng mga traders na bumibili at nagbebenta ng stocks at iba pang investments para kumita ng pera sa short term na pagbabago ng presyo, madalas sa ilang araw lang o linggo, o pagbabago ng presyo sa loob ng isang araw.
Kung sa hula mo ang halaga ng investment ay tataas mamaya sa short term, pwede kang gumawa ng “long” trade kung saan bibilhin mo ito ngayon at ibebenta mo mamaya pag tumaas nga ang presyo. Sa kabilang dako naman, kung iniisip mo bababa ang halaga ng isang investment, pwede kang gumawa ng “short sell” (basahin mo ang guide namin dito). Sa paraaang iyon, nanghihiram ka ng shares sa broker para ibenta sa mas mataas na presyo, at pag bumaba ang presyo ng investment, bibilihin mo ito sa mas mababang presyo para ibalik ang inutang mo sa iyong broker. Kikita ka mula sa pagkakaiba ng presyo.
Pag-aralan at GAMITIN PAREHO!
Ngayong alam mo na ang pagkakaiba ng technical at fundamental analysis, baka isipin mo iisa lang ang pwede mong gamitin. Hiindi totoo iyan.
Pwede mong gamitin pareho, at nagcocomplement ang paggamit nila sa isa’t isa.
Halimbawa, kung gusto mong mag-invest para sa long term, pwede mong gamitin ang fundamental analysis para suriin ang halaga ng isang stock ng kumpanya o iba pang investment. Kahit makikita mo kung maayos na investment ang isang bagay, kung gusto mong alamin kung mabuti ngang bilihin (o ibenta) ang isang investment sa panahon na iyon, kailangan mong gamitin ang technical analysis techniques.
Bakit? Una, malalaman mo kung overpriced o sobrang taas ng presyo ng isang asset o investment. Baka mas mabuting maghintay ka hanggang magkacorrection kung saan bababa ang presyo sa mas mabuting halaga. Pwede mo ring makita kung may downtrends (bumababa ang presyo) kung saan pwede mong bilihin ang isang asset sa napakababang halaga.
Gumagana rin ang kabaliktaran kapag magtratrade ka. Pwede mong makita at hulaan ang mga downtrends at uptrends sa paggalaw ng presyo ng investments, pero para pataasin ang iyong chances of success, kailangan mo pa ring gumamit ng fundamental analysis. Halimbawa, ang downtrend sa isang kumpanya na may mabuti namang fundamentals ay pwedeng sandalian lamang kaya baka hindi mabuting magshortsell agad doon. Sa kabilang dako naman, ang pag-“short sell” sa kumpanyang may downtrend ang presyo ay mabuti kapag nakita mo sa fundamental analysis na pumapalya talaga ng husto ang kumpanya.
Kung baguhan ka pa lang sa personal finance at investing, mainam na pag-aralan mo ang ilang strategies hanggang may mahanap kang gusto mo. Halimbawa, sa karanasan ko gumamit ako madalas ng technical analysis noong nagtratrade ako dati ng Forex (currencies). Dahil hindi ko nagustuhan ang lifestyle ng isang trader, mas madalas na akong gumamit ng fundamental analysis at kaunting technical analysis bago ako bumili ng isang investment.
Dito muna tayo magtatapos sa aral na ito. Kung gusto mong kumita mula sa investing at pagtrade ng stocks, bonds, mutual funds, at iba pang assets, kailangan mong matuto ng ilang techniques at strategies mula sa mga professionals.
Yeng says
Good day sir
Thank you sir. Nagbabasa ako ngaun about investing kay robert kiyosaki. And i realized na ito na ung tamang panahon para mapag aralan ko ito. Totally broke ako when it comes sa financial. Mahilig ako mamuhunan pero i realized na may mali na sa ginagawa ko. And sabi ko sa sarili ko hindi ako titigil kakahanap ng solusyon. And thank you sir. Nakita ko tong post mo. Actually iteresado talaga ako sa pag invest ng stock, paano maging trader, paano ba sisismulan, as is wala akong knowledge. Pero desidido talaga ko matuto.. Thank you sir ha. Paano ba kita marereach para mas matuto pako. Thank you 🙂
Ray says
Hello Yeng!
Pwede akong magbigay ng basic personal finance tips tulad ng mga naisulat ko sa articles ko, pero alanganin ang investing tips lalo na kung plano mong mag-invest sa individual stocks at hindi mutual funds.
Sobrang volatile kasi nila, so ang best advice ko sa iyo ay maghanap ka ng mga libro na magtuturo sa iyo ng mga basic techniques at yun ang subukan mo.
Ang maisusuggest ko ay itong mga ito (affiliate links below):
“The Single Best Investment” by Lowell Miller (ito tungkol sa dividend stock investing)
“The Motley Fool Investment Guide: Third Edition: How the Fools Beat Wall Street’s Wise Men and How You Can Too”
“The Bogleheads’ Guide to Investing”
Mostly pang long-term investing strategies ang gamit ko. Nasubukan ko na technical analysis at trading dati sa Forex, same principles and indicators lang din most of the time tulad ng moving averages, stochastics, Bollinger bands, etc. Ang mga marerekomenda kong libro ay:
“The Little Book of Currency Trading”
“Day Trading the Currency Market”
For now, yun lang muna. Di kasi ako naging interested sa stock trading dati, pero marami namang libro noon sa Fully Booked at may kaunti sa National Bookstore.
Ang number one tip ko lang ay wag kang matakot sa mga graphs. Basahin mo lang nang mabagal para intindihin ang techniques nila, tapos subukan mong tignan o gamitin sa mga free trial accounts ng mga trading websites.
I hope that helps!
Regards,
Ray L.
YourWealthyMind.com