English Version (Click Here)
Ang mga idea o kaalaman ay nakakapagpabago ng buhay at minsan ang kaunting inspirasyon ay lubusang nakabubuti. Kung gusto mo ng kaunting lakas ng loob na magtutulak sa iyo patungong kasaganaan, and 25 best pera quotes ay para sa iyo!
Pag-Asenso at Pera Quotes
1. “Without wisdom, gold is quickly lost by those who have it, with wisdom, gold can be secured by those who have it not.” – George S. Clason
(Kung walang kaalaman, ang pera ay naglalaho mula sa mga nakahawak nito, pero kung may kaalaman, ito ay makakamit ng mga wala pa.)
2. “The lack of money is the root of all evil.” – Mark Twain
(Ang kawalan ng pera ang ugat ng kasamaan.)
3. “If you don’t put a value on money and seek wealth, you most probably won’t receive it. You must seek wealth for it to seek you. If no burning desire for wealth arises within you, wealth will not arise around you. Having definiteness of purpose for acquiring wealth is essential for its acquisition.” – Dr. John Demartini
(Kung hindi mo pinahahalagahan ang pera at hindi ka nagsisikap magpayaman, malamang hindi mo ito makakamit. Kailangan mong hanapin ang kayamanan para sundan ka rin nito. Kung wala sa looban mo ang matinding pangarap para umasenso o yumaman, ang kayamanan ay hindi lilitaw sa mundo mo. Ang pagkakaroon ng layunin para makamit ang kasaganaan ay kailangan para mapagsikapan mo ito.)
4. “It is just as easy to think in terms of abundance, opulence and prosperity as it is to think in terms of lack, limitation and poverty.” – Robert Collier, The Secret of the Ages
(Kasing-dali ang mag-isip tungkol sa kasaganaan at kayamanan sa pag-iisip ayon sa kakulangan, limitasyon at kahirapan.)
5. “You must begin to understand, therefore, that the present state of your bank account, your sales, your health, your social life, your position at work, etc., is nothing more than the physical manifestation of your previous thinking. If you sincerely wish to change or improve your results in the physical world, you must change your thoughts, and you must change them IMMEDIATELY.” – Bob Proctor, The Power to Have It All
(Kailangan mong maintindihan na ang kasalukuyang kalagayan ng iyong bank account, benta, kalusugan, social life, posisyon sa trabaho, atbp., ay walang iba kundi ang pisikal na resulta ng iyong dating pag-iisip. Kung pangarap mong magbago o pagbutihin ang mga resulta mo sa mundo, kailangan palitan mo ang mga pinag-iisipan mo, at kailangan baguhin mo na sila NGAYON.)
Pagsisikap
6. “A slack hand causes poverty, but the hand of the diligent makes rich.” – Proverbs 10:4
(Ang katamaran ay nagbibigay ng kahirapan, pero ang pagiging masipag ay nagbibigay ng kayamanan.)
7. “I am for doing good to the poor, but I differ in opinion about the means. I think the best way of doing good to the poor is not making them easy in poverty, but leading or driving them out of it.” – Benjamin Franklin
(Ako ay sumasang-ayon sa paggawa ng kabutihan para sa mga mahihirap, pero iba ang pamamaraan ko sa paggawa nito. Sa isip ko ang pinakamabuting pwedeng gawin para sa mga mahihirap ay hindi ang pagpapatuloy ng pagiging komportable nila sa kahirapan, pero sa pamumuno o pagpilit sa kanila patungo sa pagasenso.)
8. “Lack of direction, not lack of time, is the problem. We all have twenty-four hour days.” – Zig Ziglar
(Ang kakulangan ng direksyon, hindi ang kakulangan sa oras, ang problema. Lahat tayo ay may 24 na oras kada araw.)
9. “Never mistake activity for achievement.” – John Wooden
(Huwag mong lilitohin ang pagtrabaho at pag asenso.)
10. “If you are willing to do only what’s easy, life will be hard. But if you are willing to do what’s hard, life will be easy.” – T. Harv Eker
(Kung gusto mo lamang gawin ang madadali, ang buhay ay magiging mahirap. Pero kung kakayanin mong gawin ang mahihirap na bagay, ang buhay ay magiging madali.)
Utang
11. “The rich rules over the poor, and the borrower becomes the lender’s slave.” – Proverbs 22:7
(Ang mayayaman ay namumuno sa mga mahihirap, at ang nanghiram ng pera ay nagiging alipin ng nagpahiram.)
12. “Compound interest is the eighth wonder of the world. He who understands it, earns it … he who doesn’t … pays it.” – Albert Einstein
(Ang compound interest ay ang ikawalong wonder ng mundo. Ang nakakaintindi nito, kumikita nito… ang hindi nakakaintindi… nagbabayad nito.)
13. “Before borrowing money from a friend, decide which you need most.” – American Proverb
(Bago ka manghiram sa kaibigan, pag-isipan mo kung alin sa dalawa ang pinaka kailangan mo.)
14. “Debts and lies are generally mixed together.” – Francois Rabelais
(Ang utang at kasinungalingan ay madalas magkahalo.)
15. “It is the debtor that is ruined by hard times.” – Rutherford B. Hayes
(Ang nangutang ang palaging nasisira ng kamalasan.)
Pagtitipid o Pag-iipon
16. “Beware of little expenses. A small leak will sink a great ship.” – Benjamin Franklin
(Mag-ingat sa maliliit na gastusin. Ang maliit na butas ay nakakapagpalubog ng malaking barko.)
17. “You must learn to save first and spend afterwards.” – John Poole
(Kailangan mong matutunang mag-ipon muna at gumastos pagkatapos.)
18. “You earn wages, only to put them in a purse with holes in it.” – Haggai 1:6
(Kumikita ka ng pera, para lamang ilagay sa butas na pitaka.)
19. “To those who use well what they are given, even more will be given, and they will have an abundance. But from those who do nothing, even what little they have will be taken away.” – Matthew 25:29 (New Living Translation)
(Ang nakakagamit mabuti ng biyaya nila, mas-marami ang matatanggap at sila’y magkakaroon ng kasaganaan. Pero sa mga walang ginagawa, ang kaunting mayroon sila ay babawiin.)
20. “The habit of saving is itself an education; it fosters every virtue, teaches self-denial, cultivates the sense of order, trains to forethought, and so broadens the mind.” – T.T. Munger
(Ang magsanay ng pag-iipon ay edukasyon; ito’y nagpapayaman ng mga kabutihan, nagtuturo ng pagkamapagtiis, nagpapayaman ng kaayusan, nagsasanay ng pag-iisip, at nakakapagpalawak ng isipan.)
Tagumpay at Kasaganaan
21. “We become what we repeatedly do.” – Sean Covey
(Ang pagkatao natin ay nagmumula sa palagi nating ginagawa.)
22. “Don’t let the opinions of the average man sway you. Dream and he thinks you’re crazy. Succeed, and he thinks you’re lucky. Acquire wealth, and he thinks you’re greedy. Pay no attention. He simply doesn’t understand.” – Robert Allen
(Huwag kang magpadala sa opinyon ng karaniwang tao. Mangarap ka at iisipin niyang baliw ka. Magtagumpay ka at iisipin niyang maswerte ka lamang. Pagsikapan mo ang kayamanan at iisipin niyang sakim pa. Huwag mo siyang pansinin. Hindi lang talaga niya naiintindihan.)
23. “Some people don’t get to succeed in life because they spend most of their energy and time being envious of those who have succeeded, instead of learning from them.” – Edmond Mbiaka
(Ang ibang tao ay hindi nagtatagumpay sa buhay dahil ginagamit nila ang karamihan ng kanilang lakas at oras na naiinggit sa mga nagtagumpay kaysa pag-aralan ang ginawa ng mga ito.)
24. “Don’t let the fear of the time it will take to accomplish something stand in the way of your doing it. The time will pass anyway; we might just as well put that passing time to the best possible use.” – Earl Nightingale
(Huwag kang matakot sa dami ng oras na iyong kailangan bago magtagumpay bago mo simulan ito. Magdadaan din ang panahon; mabuti nang gamitin natin ito sa pinakamabuting paraan.)
25. “Success is the sum of small efforts, repeated day in and day out.” – Robert Collier
(Ang tagumpay ay ang kabuoan ng maliliit na pagsisikap, na inulit-ulit sa bawat araw na nagdadaan.)
[…] mo ng isang kasabihan tungkol sa pera kung saan mapapaisip ka? Basahin mo […]